PAGSASANAY: Basahin at unawain ang tekstong nasa ibaba. Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa nito. Pumili ng sagot sa kahon na nasa ibaba.
Isang umaga ay nagpunta sa ¹______
sina Lolo Pilo kasama ang kanyang
mga apo na sina Jonas at Jada. Sila ay may dalang ²______
at petsay upang
itanim. Matapos silang magtanim ay namitas naman sila ng mga sitaw,kalabasa,
talong,ampalaya at okra. Laking tuwa nila nang makita nilang ³_______
gulay
ang kanilang maiuuwi. Sa sobrang kawilihan, hindi nila namalayan ang oras,
⁴_________
na pala kung kaya't agad na nagtext si Jada sa kanyang ina na
sila'y ⁵________. Sa kanilang ⁶_________
,agad nilang inayos nang
⁷_____
ang kanilang mga naani. Kumuha sila ng kutsilyo, biniyak
ang kalabasa at ⁸______
ito upang ang bawat ⁹_______ ay magkakapareho
ang laki. Masayang-masaya ang magkapatid dahil sa simpleng paraan ay
nakatulong sila sa kanilang mga kabarangay ngayong pandemya.
Bukas, ang mga natirang gulay ay kanila namang ilalagay sa community pantry ng
kanilang barangay at dahil dito ¹⁰______
ng maraming kabataan ang kanilang
kabaitan at pagiging matulungin.
nonsense will be reported
walang connect sa question report
Answers & Comments
Explanation:
Isang umaga ay nagpunta sa gulayan
sina Lolo Pilo kasama ang kanyang
mga apo na sina Jonas at Jada. Sila ay may dalang gabi at petsay upang itanim. Matapos silang magtanim ay namitas naman sila ng mga sitaw,kalabasa, talong,ampalaya at okra. Laking tuwa nila nang makita nilang sako-sakong
gulay ang kanilang maiuuwi. Sa sobrang kawilihan, hindi nila namalayan ang oras,
dapit-hapon na pala kung kaya't agad na nagtext si Jada sa kanyang ina na
sila'y gagabihin. Sa kanilang pagdating
,agad nilang inayos nang tumpok-tumpok
ang kanilang mga naani. Kumuha sila ng kutsilyo, biniyak
ang kalabasa at hinati-hati
ito upang ang bawat gulay ay magkakapareho
ang laki. Masayang-masaya ang magkapatid dahil sa simpleng paraan ay
nakatulong sila sa kanilang mga kabarangay ngayong pandemya.
Bukas, ang mga natirang gulay ay kanila namang ilalagay sa community pantry ng
kanilang barangay at dahil dito hinangaan
ng maraming kabataan ang kanilang
kabaitan at pagiging matulungin.
1. gulayan
2. gabi
3. sako-sakong
4. dapit-hapon
5. gagabihin
6. pagdating
7. tumpok-tumpok
8. hinati-hati
9. gulay
10. hinangaan