Pagsasanay 3
Pagsulat ng sariling bugtong,salawikain,sawikain o kasabihan
PANUTO:sumulat ng sariling bugtong, salawikain,sawikain o kasabihan na angkop sa mga sumusunod na pangyayaring nararanasan sa kasalukuyan.
1. Pag-iingat laban sa Covid-19 __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Social distancing at pagsusuot ng mask __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Pagtanggap ng ayuda mula sa pamahalaan __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Pag-aaral sa pamamagitan ng Distance Learning __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pandemya __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1. Kung ayaw mong mawalang ng pang amoy at panglasa, manatiling nasa bahay ka, dahil mas ligtas ka kung di ka mahahawa at makakahawa ng iba. (Kasabihan)
2. Kung kailangan lumabas, laging tandaan na lumayo sa karamihan, social distancing at pagsusuot ng mask ay gawin, upang ang pagiging positibo sa COVID 19 ay hindi sapitin. (Kasabihan)
3. Malaki o maliit man, tayo ay magpasalamat sa ayudang ating natanggap, dahil sa nasagutan nito ang pangangailangan ng ating bibig at tiyan. (Kasabihan)
4. Alam mo at alam ko, maging ng guro ito na sa panahon ngayon, ang ating pagkatuto ay nakasalalay rito. (Bugtong)
5. Mga tao ay sinubok, karamihan ay nalugmok, dulot ng pandemyang ito. Maraming nawalan ng trabaho, pero kahit ganito pilit bumangon mga tao.
Explanation:
1. Kung hindi mag iingat laban sa COVID 19, maaari kang magpositibo at makahawa sa iba na ating iniiwasan na mangyari.
2. Ito ang pangunahin mga tagubilin o reminder sa atin upang hindi mahawa sa virus dahil sa mga di maiiwasang paglabas ng bahay lalo na kung may mga importanteng gagawin.
3. Dapat magpasalamat sa ayuda na ating natanggap dahil ginagawa ng gobyerno ang makakaya nito upang tulungan ang mga tao.
4. Ito ang isa sa mga paraan ng pagkatuto o pag aaral na ginagamit ng mga mag aaral at guro upang hindi maputol ang klase sa pamamagitan ng modyul at online classes.
5. Dahil sa pandemya, marami ang nagsarang mga kompanya na nagresulta sa pagkawala ng mga trabaho ng karamihan.