Pagsasanay 2
Panuto:
Isulat ang "aprub" kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
magiliw na pagtanggap sa bisita, "disaprub" kung ito ay hindi.
1. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta sa inyong bahay ang isang
banyaga upang magtanong ng direksiyon. Subalit hindi mo man lang
siya pinapasok sa inyong bahay at hindi rin pinansin.
2. Dahil sa may nangyaring away sa pagitan mo at ng iyong kaklase,
dinalaw ka ng iyong guro sa inyong bahay subalit pinagtaguan mo siya.
3. Bumisita sa inyong bahay ang inyong prinsipal. Pinatuloy mo siya at
binigyan ng meryenda.
Answers & Comments
Answer:
1. disaprub
2. disaprub
3. aprub