Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawain ang kwento tungkol sa pamilya Rosario. Sagutin ang mga tanong
sa ibaba.
Ang Pamilya Rosario ay isa sa mga pamilya na lubhang naapektuhan ng pandemya. Si
Mang Kanor ay nagtatrabaho bilang isang drayber ng pampasaherong sasakyan. Mas lalong
nahirapan si Mang Kanor dahil sa pansamantalang pagtigil ng biyahe ng mga pampasaherong
sasakyan sa kanilang probinsya. Siya ay lubhang nahirapan na maitaguyod ang kanyang
pamilya. Minsan na rin niya narinig na mayroong ipinamimigay na mga bigas at sardinas ang
kanilang lokal na pamahalaan sa kanilang lungsod upang makatulong sa lubhang naapektuhan
ng pandemya at sa mga nawalan ng trabaho ngunit sa kasamaang-palad hindi nakatanggap ng
anumang tulong ang kanyang pamilya. Napag-alaman din niya na ang iba sa kanyang kapit-
bahay na mas nakakaangat sa buhay ay mas nabigyan pa ng tulong mula sa pamahalaan kaysa
sa kanila. Minsan din niyang pinuntahan sa barangay upang ireklamo ang ganitong pangyayari
ngunit hindi pinansin ng kanilang Punong Barangay. Dahil dito ay nawalan siya ng pag-asa at
napaghinaan ng loob. Sa huli ay iniwan niya ang kanyang pamilya upang takasan ang kanyang
pananagutan bilang ama. Ang kanyang asawa't mga anak ay walang nagawa kundi magsumikap
sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang gulay na naging kabuhayan nila sa panahon
ng pandemya.
Mga katanungan:
1. Sa kwento na iyong nabasa, ano ang nakaapekto sa pamumuhay ng Pamilya Rosario?
Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.