Pagsasanay 2- Panuto: Isulat ang wastong pang-ugnay para sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Ang paksa ng balita sa telebisyon ay (tungkol sa, para sa) sa pagsusuot ng face shield.
2. Ang pulong na isinagawa ay (tungkol sa, tungkol kay) sakit na Covid-19.
1 point
3. Kailangan laging maghugas ng mga kamay (ayon sa, ayon kay) DOH Sec. Duque.
4. Pinapalakas ang ating immune system (dahil sa, ayon sa) pagkain ng masusustansyangpagkain.
5. Namahagi si Ava (ng, sa) sari-saring gulay mula sa kanyang bakuran.
6. Ang mga tulong na pagkain mula sa pamahalaan ay inabot (kay, kina) nanay at tatay.
7. (Ayon sa, Tungkol sa) pangulo, hangga’t walang bakuna, walang pasok ang mga bata.
8. Gumamit ng face mask (subalit, sapagkat) huwag namang mag-panic sa pagbili nito atbaka naman maubusan ang ibang nangangailangan.
9. Sa ngayon, ang kalusugan ng mamamayan ang prayoridad ng pamahalaan (ngunit,maging) marami pa rin di sumusunod sa pagsusuot ng face mask.
10. Maraming menor de edad ang nagkalat sa kalye sa dis-oras ng gabi (kaya naman, bunga)pinaiigting ang pagpapatupad ng curfew ng mga kapulisan.
Answers & Comments
Answer:
di ko po Alam Yung answer
answer:
1.tungkol sa
2.tungkol sa
3. ayon sa
4.dahil sa
5.ng
6.kina
7.ayon sa
8.subalit
9.ngunit
10.kaya naman
explanation:
sana makatulong
pa brainliest po ✅
pa heart ❤️
Tama po itong sagot ko