Questions


January 2023 2 23 Report
Pagsasanay 2 Panuto Isulat ang limang (5) pahayag na nagbibigay ng opinyon na nasa loob ng talata

May Isang Pangarap (Yugto 11)

Sa aking palagay, nakatutuwa ang isang teleserye sa Abs Cbn na may isang karakter na batang babaeng pilit inaabot ang kanyang pangarap. Naipalabas ito sa telebisyon sa taong 2016.Kahit ilang beses natalo sa mga patimpalak ng pagkanta ay hindi naging hadlang ito para itigil ang kanyang pangarap na sumikat. Marami siyang hinarap at nilagpasang pagsubok. Tahasan kong masasabi na malaki ang naitutulong na suportang moral at emosyonal ng tumatayong magulang para hindi mawalan ng pag-asa. Kumbinsido ako sa pagmamahal at pagtitiwala na ibinigay sa bata. Sa totoo lang, magulang ang siyang dapat na nagiging gabay para matunton ang pangarap na mayroon ang anak. Lubos kong pinaniniwalaan ang sinabi ng tumatayong ina ng batang nangangarap na hindi lahat ng gusto ng tao ay makukuha lahat. Ayon nga sa sinabi ng ama nito, dapat na maging matatag pa rin sa pagharap sa anumang pagsubok na darating bago makamit ang tagumpay.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.