Questions


December 2022 1 3 Report
Pagsasanay 2

Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat.

Panuto: Tukuyin kung anong himagsik ni Balagtas ang ipinakikita sa mga sumusunod na kalagayan ng lipunan sa bawat bilang. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Malupit na Pamahalaan
B. Hidwaang Pananampalataya
C. Maling Kaugalian
D. Mababang Uri ng Panitikan

1. Nahumaling sa pagsusugal ang maraming Pilipino. Sa halip na magtrabaho ay nauubos ang kanilang oras sa pagpusta at pagtaya sa mga sabungan. Napabayaan nila ang kanilang mga kabuhayan.

2. Nagkaroon ng maling pananaw ang maraming Pilipino sa kababayan nilang mga Muslim. Inakala nilang sila ay walang kinikilalang Diyos at hindi gagawa ng mabuti.

3. Takot ang mga Pilipinong sumulat ng akdang sumasalamin sa kalagayan ng kanilang lipunan kaya sumusunod lamang sila sa kung ano ang karaniwang paksa noon gaya ng relihiyon.

4. Sapilitang pinagtrabaho noon ang mga Pilipino upang makagawa ng mga barkong panglayag ng mga Kastila.

5. Hindi kinilala ang mga karapatan ng mga Pilipino at itinuring silang mas mababa kaysa sa mga Kastila.

6. Maraming Pilipino ang nagtaksil sa kapuwa nila Pilipino sa pagpanig sa mga kalabang Kastila.

7. Mas maraming nagsusulat sa wikang Kastila sapagkat ito ang mas tinatanggap na midyum noon at itinuturing na mas mahusay na wika kaysa sa tagalog.

8. Nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga Kristiyanismo at Muslim. Kapag hindi ka kabilang sa kanilang reihiyon, itinuturing kang kaaway.

9. Nawala ang mataas na pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang sariling kultura. Mas tinangkilik nila ang mga bagay na maka-Kastila.

10. Nawalan ng mga lupaing sakahan ang maraming Pilipino at nasakop ng mga prayle at ng mga pinunong Kastila.

paki sagot ito please... ​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.