Pagsasanay 1
Mula sa mga nakatalang paksa, bumuo ng dalawang pangungusap. Sikaping
mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa. Ipaliwanag ang paraang
ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap.
1. Pagkakaisa ng mga bansa
2. Pag-unlad ng ekonomiya
3. Pagdami ng skilled workers
4. Pag-aagawan ng teritoryo
5. Drug-trafficking
plss Help Nman owh
Answers & Comments
Answer:
1. Pagkakaisa ng mga bansa
Malaki ang naitutulong kapag nagkakaisa isa ang mga bansa bukod sa magiging tahimik ay napapalawak ang kalakalan sa buong mundo.
Sa pagkakaisa ng mga bansa, maiiwasan ang muling pagsiklab ng pandaigdigang digmaan o world war.
2. Pag-unlad ng ekonomiya
Ang pag-unlad ng ekonomiya ay nanganib dahil sa pandemya.
Ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakasalalay sa mga namumuno at sa mga taong nasasakop ng bansa, sa pagtutulungan ng bawat isa, makakamit nito ang pag unlad na ninanais.
3. Pagdami ng skilled workers
Ang pagdami ng mga skilled workers ang siyang dahilan ng mas lalong pag-unlad ng ekonomiya.
Nababawasan daw ang porsiyento ng brain drain dahil sa pagdami ng mga skilled workers.
4. Pag-aagawan ng teritoryo
Walang magandang naidudulot sa China at Pilipnas kung nag-aagawan sila sa teritoryo.
Ang pag aagawan ng teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China ay maaaring magdulot ng hindi magandang pangyayari tulad ng digmaan.
5. Drug-trafficking
Kailangan ng masugpo ang drug trafficking upang magkaroon ng kalutasan ang krimen at para mabawasan ang suliranin at pamumuhay ng mga kababayan.
Laganap ang drug trafficking sa ating mga karatig na bansa sa Asya at maging sa mga iba pang mauunlad na bahagi ng mundo gaya ng Europa at ang Estados Unidos.
sana makatulong