Pagpapatawad
(Lukas 15:11-32)
May isang mayamang matanda na may dalawang anak na lalaki.
Isang araw, kinausap ng bunsong anak ang ama upang hingin ang bahagi
ng kanyang mamanahin. Ibinigay naman ng ama ang nais ng bunsong
anak at umalis na ito sa kanilang lugar pagkatapos makuha ang kaniyang
mana. Pumunta sa malayong lugar ang anak na bunso at nilustay niya
ang lahat ng kaniyang kayamanan at pera sa mga bisyo. Nang maubos
ang kanyang kayamanan nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na
iyon. Siya ay namasukan at nagtrabaho sa isang babuyan. Wala siyang
makain kaya halos kainin na niya ang pagkain para sa mga baboy. Dahil
dito napag-isip-isip niya na bumalik sa kaniyang ama. Nasa malayo pa ay
natanaw na siya ng kaniyang ama. Patakbong sinalubong ng ama ang
bunsong anak, niyakap at tinanggap nang buong puso. Pinabihisan ng
pinakamagandang damit at pinasuotan ng singsing at sandalyas.
Ipinaghanda rin ito ng isang pagdiriwang dahil sa kaniyang pagbabalik.
Nang malaman ng panganay na anak ang ginawang pagtanggap muli ng
ama sa bunsong kapatid ay nagalit ito sapagkat ni minsan ay hindi siya
binigyan ng ama ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan
kasama ng kaniyang mga kaibigan. Ipinaliwanag ng ama sa kaniyang
panganay na anak kung bakit tinanggap niyang muli ang bunsong kapatid.
Sinabi nito sa kanya, "ang kapatid mo ay nawala ngunit muling natagpuan
kaya marapat lang na tayo ay magdiwang." Ang pamilya ang
pinakamahalaga sa lahat. Huwag pairalin ang galit sa puso, magpatawad
at magmahalan dahil ito ang tunay na diwa ng isang mabuting samahan
lalo na sa isang pamilya.
Mula sa napakinggan, sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang nais ng bunsong anak na gawin ng ama sa mana nilang
magkapatid?
2. Ano ang naging suliranin sa kuwento?
3. Paano tinanggap ng panganay na anak ang pagbabalik ng kapatid 4.bakit kaya tinanggap muli ng ama ang bunsong anak?
5.kung ikaw ang panganay na anak sa kuwento magagalit ka rin ba sa iyong ama sa ginawang pagtanggap muli sabiyong kapatid?bakit?

EXPLANATION:

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.