PAGPAPAKILALA NO ARALIN Pagpapakilala ng Aralin Sa araling ito, matututuhan mo ang pagsasama ng mga katinig at patinig sa pagbuo ng salitang klaster at diptonggo. Bago yan basahin mo muna ang kuwento. Ano-anong magagandang lugar sa Pilipinas ang iyong napuntahan? Halika at sumama sa paglalakbay. Sakay Na! Sakay na sa makulay na dyip na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan! Sa ilang segundo, tayo ay aarangkada na! Isa... dalawa... tatlo... Una nating silipin ang Palawan Underground River. Itinanghal na isa sa mga pinakabagong magagandang tanawin sa buong mundo kaya naman hindi ito nauubusan ng turistang lokal at dayuhan. Ang kuwebang ito na may ilog sa loob ay sinasabing may habang 8.2 kilometro. Upang malakbay ang kahabaan nito, kailangan mong sumakay sa isang bangka upang masaksihan ang pambihirang iba't ibang hugis ng bato na nililok sa pamamagitan ng patak ng tubig sa nakalipas na daanlibong taon. ne nilic Kilalanin din natin ang tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas. Ito ay napaliligiran ng probinsiya ng Baguio at La Trinidad. Sa lugar na ito makikita ang paglago ng strawberries sa bansa kaya tinawag din itong Strawberry Country bukod pa sa iba't ibang uri ng prutas at gulay na nakatanim dito. Tara na sa lalawigan ng Benguet. Tinagong Dagat ang sunod nating destinasyon. Ito ay isang nakatagong lawa na matatagpuan sa talampas sa tuktok ng bundok na may sukat na humigit kumulang tatlong (3) ektarya at lalim na nasa otsenta (80) metro. Dito makikita ang iba't ibang isda. Napapaligiran din ito ng makapal na gubat kung saan gumagala ang ligaw na hayop at malago ang halaman. Tayo na sa Lambunao, Iloilo upang mapasyalan ito. Sa Mindanao naman, makikita ang Talon ng Maria Cristina sa dulo ng llog Agus. Ito ay kilala sa kagandahan na may taas na 320 talampakan bukod pa sa ito ang pangunahing pinagkukunan ng kuryente sa Iligan. Ilan lang ito sa puwede nating pasyalan sa ating bansa. Hanggang sa muling pagsakay sa ating pambihirang dyip. Ang klaster o kambal katinig ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Halimbawa: braso, drum, prutas, trabaho, gripo, blusa, globo, kwarto, dyip atbp...



ito Po Yung kwento sa picture Po Yung sasagotan sa gawain 1 paki sagot narin Po Yung gawain 2 kailangan na Po bukas​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.