Questions


January 2023 1 4 Report
'"Pagpapakilala ng Aralin"
Isang Mahirap na Desisyon
Gumawa ng infograpics tungkol sa kwento na "Isang Mahirap na Pamilya".'

"Sa Makati naninirahan ang pamilya nila Nelia. Doon na ipinanganak ang kanilang mga magulang. Ang bahay na kanilang tinitirhan na lamang ang natitirang maliit na bahay doon dahil napaliligiran ito ng matataas na gusali at malalking kompaniya.

Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang mga pangangailangan at malapit din sa kaniyang paaralan. Pati ang kapatid nya na si Leah, na pangalawa sa panganay ay sa Makati din nagtatrabaho. Ang tanging malayo lang ang trabaho ay ang tatay nila na nagtatrabaho sa Dasmarinas, Cavite.

Isang gabi, nakita nilang magkakapatid na seryosong nag-uusapang kanilang ama at ina. Mayroon din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin para sa mga magkakapatid ang nakita nilang iyon, lalo na nang naulit pa ito ng ilang beses.

Wala na kayang trabaho si Tatay?" ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero sa tingin nya hindi naman masyadong seryoso ang sitwasyon. "Ano nga kaya ang problema ng ating pamilya?" tanong naman ng kanilang panganay na si Tom. "Malalaman din natin yun kapag handa na silang ipaalam sa atin ang problema, dahil kung mayroon mang dapat bigyan ng pasiya, dapat kasama tayong magbibigay ng ating sari-sariling pasiya, hanggang tayo ay mabuo sa pagkakaisa," ang sabi naming ni Leah.

Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw ng Linggo, pagkatapos ng hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang tatlong magkakapatid at ipinaalam ang sitwasyong dapat bigyan agad ng pagpapasiya,

"Mga anak", ang bungad ng kanilang ama. Kailangan nating pagpasiyahan

kung papayag tayo na bilihin ng katabi nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha

na tayong kawawa dito."

Isa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong squatter dito. Kaya, sinabi ng inyong ina papayag na siya na ipagbili ang ating bahay at lupa, pumayag na ako." Ang inyong pasiya na lamang ang aming hihintayin," ang paliwanag ng kanilang ama.

"Oo nga, Tatay, mukha nga tayong kawawa dito, pero patagalin pa natin para tumaas pa ang halaga ng ating bahay at lupa."ang paliwanag ni Tom.

"Ikaw, Leah, anong pasiya mo?" ang tanong ng kanyang ina." Okey lang po sa akin kasi kailangan na. Hindi na talaga tayo bagay dito." "A, ewan sa inyo!" ang sigaw ni Tom. "Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip

ko kaya guto kong pataasin pa ang halaga nga ari-arian natin!" sabay alis ni Tom at nagkulong sa kuwarto.

"Ikaw, anak," ang tanong ng Nanay kay Nelia. "Kahit po malalayo ako sa mga kamag-aral ko at sa kaibigan, payag po ako na iwanan na iwanan na ang bahay na ito kasi kailangan na," ang sabi ni Nelia." Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, al" ang nakangiting sabi ng kanilang nanay. "Hayaan ninyo,susundan ko sa kuwarto ang kuya ninyo. Paliliwanagan ko," ang dugtong ng kanilang Nanay.

Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa salas at sinabi ni Tom na dahil siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan naman siya ng kaniyang ina na ang tawad na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at lupa ay malaki na ring maituturing.

Napagkasunduan rin ng mag-anak na sa Dasmarinas na sila bumili ng bahay at lupa at doon na rin silang lahat magtatrabaho at mag-aaral.

Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang buong

pamilya."​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.