Questions


August 2022 1 0 Report
Pagpapakilala ng Aralin
Basahin at unawain mong mabuti ang isang isyu na tinatalakay sa balita.
Klima sa Bansa, Hindi na Tama?

Init-lamig, lamig init, ulan sa tag-araw, at init sa tag-ulan. Lubhang malaki na nga ang ipinagbago ng klima sa ating bansa simula nang pumasok ang ikaw-20 siglo.

Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng tinatawag na "climate change" at "global warming" kung saan hindi lamang ang ating bansa ang naapektuhan kundi maging ang iba pang bahagi ng mundo.

Malaking hamon ang hinaharap ngayon ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang makahanap ng solusyon para malabanan ang hindi tama o pagbago-bagong klima na nakaaapekto sa bansa.

Bago ka magsimula sa mga gawain, nais ko muna talakayin ang tungkol sa kung paano mapahayag ng opinyon sa balita o isyu na iyong binasa.

A. Pag-unawa sa Balita
Ang balita ay ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari o nagaganap sa paligid at iba pang panig ng bansa at maging labas ng bansa. Nakakatulong ang balita sa pagbibigay o paghahatid ng kaalaman at impormasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pahayagan o diyaryo, radyo, telebisyon, at internet.

B. Pag-unawa sa Pagpapahayag ng Opinyon O Reaksiyon
1. Maraming isyu ang laganap sa ating paligid araw-araw. Madalas tayong makarinig ng mga palagay o reaksyon tungkol sa mga isyu subalit angkop ba o nararapat nga ba ang reaksiyong ibinibigay natin? Madalas kasi'y wala namang sapat na basehan ang isyu ang nalalaman ng nagbibigay reaksyon. Kapag nagkagayon ay hilaw o kulang ang nilalaman ng maibibigay mong palagay o reaksyon.

2. Ang pagpapahayag ng opinyon ay hindi lamang sa pasulat naipamamalas bagkus ito ay naisasagawa rin natin madalas sa pagsasalita.

3. Ang pagpapahayag ng opinyon ay ginagamitan ng mga sumusunod na parirala; sa aking palagay, para sa akin, pakiwari ko, sa nakikita ko, kung ako ang tatanungin, at sa ganang akin.

Gawain 1. Batay sa nabasa mong balita sa itaas kaugnay sa pagbabago ng klima.
Sagutan ang mga tanong tungkol dito.

1. Tungkol saan ang balita na iyong binasa?
2. Bakit nagbabago ang klima sa ating bansa at sa buong mundo?
3. Ano ang pagkakaunawa mo sa climate change o global warming?
4. Magiging malaking hamon ba sa hinaharap para sa ating mga ahensiya ang ganitong pangyayari? Ipaliwanag
5. Ano ang magagawa mo bilang kabataan upang malabanan ang problema sa climate change?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.