Hindi na natin napapahalagahan ang ating kalikasan. Karamihan sa atin ay patuloy na nagpuputol ng mga puno sa ating kagubatan kung kaya sa tuwing tag-ulan ay mabilis na bumabaha. At dahil rin sa patuloy na pagpuputol ng mga puno maraming ibat ibang hayop (kagaya ng mga ibon) ang nawawalan ng kanilang natural na tirahan. Ang mga puno ay nagbubigay ng oxygen na siyang ating hinihinga, sa patuloy na pagkakalbo ng kagubatan ay nababawasan ang posibilidad na makalalanghap pa tayo ng preskong hangin. Nawa'y ang ating pagkabulag sa sanhing ito ay di magbunga ng pagsisisi sa huli, gayun pa man di pa huli ang lahat, kaya imulat na natin ang ating mga mata at pahalagahan ang inang kalikasan.
Answers & Comments
Answer: