Pagmanini
Panuto: Gamit ang timeline,isulat ang mga importanteng kaganapan sa El Filibusterismo.
1887_____________________________________________________________________________
1889____
Apostol 1890____
Mars 29,1891____
Agosto 6,1891_____
Setyembre 18,1891____
Tulong Po sana tama ang sagot nyo?
Answers & Comments
Answer:
1889- Sinimulan ni Rizal Ang pagsulat ng El Filibusterismo noong 1887 habang nagsasanay ng medesina sa Calamba.
1889-Noong 1889 namn ay nilisan Niya Ang London at tumungo sa Paris.Dito namn Niya isinulat Ang mga karagdagang kabanata.Dahil sa masayang kapaligiran ng Paris na umaagaw sa kanyang atensiyon sa mga gawaing pampanitikan,iniwan niya ito at tumungo sa Brussels,ang kabisera ng Belgium.
Agosto 1890- Noong Agosto 1890 naman ay dumating si Rizal sa Madrid.Dito naman niya tinapos Ang mga karagdagang kabanata.Dumanas si Rizal ng maraming kabiguan habang nasa Madrid.Kasama rito ang kawalang -katarungang dinadanas ng kanyang pamilya sa kababayan sa Calamba gayundin ang pagpapakasal ni Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping.Umalis si Rizal sa Madrid at nagtungo sa Biarritz.
Marso 29,1891-Tinapos niya Ang manuskrito sa Biarritz
Agosto 6,1891-Noong Agosto 6,1891 itinigil ang paglilimbag ng aklat at kalahati lamang ng aklat Ang natapos.Naulit ang kalbaryo ni Rizal noong ipinalimbag niya Ang Noli Me Tangere.Naubos ang pondo niya sa Ghent tulad noong nasa Berlin siya at pinalilimbag Ang Noli Me Tangere.Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon Ang manuskrito ng El Filibusterismo sa apoy.Nang malaman ni Valentin Ventura ang kagipitan ni Rizal,mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi na may halagang P150 at nangakong magdadagdag pa upang maituloy ang pagpapalimbag.Nagkakilala sina Valentin Ventura at Rizal sa Paris nang makituloy sa kanilang tahanan ang huli.
Ang kanilang pagkakaibigan Ang nagbigay ng pagkakataon na kaniyang mapakinggan Ang mga ideya ni Rizal.Dahil sa tulong na ito,naituloy ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo.
Setyembre 18,1891-Nailabas na ang El Filibusterismo sa imprentahan.Masayang masaya si Rizal noong araw na iyon.Nagpadala agad siya ng dalawang kopya sa Hongkong:isa Kay Basa at isa para Kay Sixto Lopez.Ipinadala ni Rizal ang orihinal na manuskrito at isang kopyang nilagdaan niya sa Paris kay Valentin Ventura na nagbigay ng kailangang pondo para matapos ang pag-iimprenta.