PA HELP PO NEED KO NA NGAYON:(
Sumulat ng iyong sariling pansariling mithiin para sa mga sumusunod (25 Puntos/ Paglilimita sa 3 pangungusap bawat aspeto):
1. Pamilya
Answer-
2. Paaralan
Answer-
3. Pakikipag-kaibigan
Answer-
4. Pamayanan
Answer-
5. Buhay-Ispiritwa
Answer-
Answers & Comments
Mga Pansariling Mithiin
Bawat isa sa atin ay mayroong pansariling mithiin sa buhay natin. May mga hinahangad tayong makamtan para maging maganda ang ating kinabukasan. Ginagawa natin ang buo natin makakaya para maabot ang mga mithiin natin kahit ito ay mahirap. Kalakip nito ang pagsisikap at pagtitiyaga para makuha natin ang ating pansariling mithiin.
Mithiin ko Para sa:
Pamilya
Ang mithiin ko para sa pamilya ko ay magkaroon ng maayos na kalusugan at magandang buhay para sa kanila. Nais ko na maibigay ang pangangailangan nila kapag ako ay nagkaroon na ng trabaho at maibalik ang ginawa nilang pagsisikap para sa akin. Kasama na ang pagkakaroon ng maalwang kalagayan at iwas sa anumang pagkakasakit.
Paaralan
Mithiin ko na maging isang mabuting estudyante ako at masipag sa pag-aaral. Nais ko na ako ay magsilbing halimbawa sa mga kapuwa ko mag-aaral na maging ganoon rin ang saloobin. At maging mabuting impluwensiya para sa kanila upang matularan rin. Kasama na rin dito na makapagtapos at maabot ang mga goals ko sa buhay.
Pakikipagkibigan
Mithiin ko dito na tumagal ang aming pagsasama ng mga kabigan ko ay mas tumibay pa ang pagkakaibigan namin. Kasabay nito ay patuloy ako magkakaroon ng mahabang pagtitiis, mapagpasensiya, maunawaan, mapagpatawad at mapagmalasakit sa kanila.
Pamayanan
Nais ko na ang aming pamayanan ay maging mapayapa at magkaroon lagi ng pagkakaisa. Mithiin ko rin na maging masunurin ang lahat ng tao upang makapagbigay ng kasiyahan sa pamayanan at magdulot ng magandang epekto sa amin.
Buhay-Espirituwal
Para sa aking espirituwalidad, mithiin ko na mas patibayin pa ito at palalimin ang aking pananampalataya sa Diyos. Kasama na dito ang pagkakaroon ng magandang kaugnayan sa Diyos at mas mahalin ko pa siya ng lubusan kaysa sa sarili ko. Isa pa, magsisikap ako ng husto na mapanatili ko ang maayos na rutina sa pagkuha ng esprituwal na mga bagay lag isa buhay ko upang hindi ito mawala.
Pa-brainliest po!