Si Tambelina
May isang bata ang itinuturing na kakaiba, sa isang bulaklak siya lumabas at tila isang
maliit na diwata.
Kasing laki lamang niya
ang hinlilit ng isang normal na tao. Ngunit kahit siya
ay maliit, kilala siya sa kanilang lugar dahil sa pagiging matulungin. Itinuturing siyang espesyal
na bata ng mga taga roon. Habang namamasyal si Tambelina, nakakita siya na isang ibon.
Nilapitan niya ito at nalaman niyang bali ang pakpak nito. Ginamot niya ito at pagkatapos ng
pagpapagaling ay umalis na ito. Isang araw napadpad si thumbelina sa tabing ilog. Naglalakad
lakad siya ng siya ay mahulog at anurin ng tubig. Sumakay siya sa nakita niyang dahon. Takot
na takot si thumbelina nang makakita siya ng lumilipad malapit sa kanya. Napansin niya na ito
ang
ibon na kaniyang tinulungan. Lumapit ang ibon sa kaniya at pinasakay sa likod. Inilipad
ng ibon si Tambelina papunta sa tirahan nito at wari'y nagpapasalamat din. Nagpasalamat si tambelina sa ibon.
Pangalan ng tauhan:
Hitsura:
Lugar ng pinangyarihan:
Oras o panahon ng pinangyarihan:
Katangian/pagkatao:
Katangian/pagkatao:
Answers & Comments
Pangalan ng tauhan : Tambelina , Ibon
Hitsura : Si Tambelina ay tila isang maliit na diwata , Ang ibon ay maganda .
Lugar ng pinangyarihan : Tabing ilog ,
Oras o panahon ng pinangyarihan : Umaga
Katangian / Pagkatao : Si Tambelina ay Mabait , Matulungin at masipag .
Katangian / Pagkatao : Ang ibon ay mabait at Matulungin .
#CarryOnLearning