Pagkakatuto Bilang 3: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung nararapat o hindi ang pagpapasiyang ginawa ng mga tauhan sa kuwento. Isulat ang N kung ito ay nararapat at HN kung hindi nararapat. Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel.
1. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok ang kaniyang amain sa kuwarto niya at nagpakita ng mga malalaswang litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Sabi ng kaniyang amain, "Halika rito, anong klaseng lalaki ka?" Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito'y kaniyang tiningnan at nagustuhan naman niya ito.
2. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na nakabikini. Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili sa isang kompanya ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at sinabing ang katawan niya ay hindi kailanman maaaring i-display.
3. Si Annie ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya. Wala na siyang interes na mag-aral mula ng paulit-ulit siyang pagsamantalahan ng kaniyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya siya nitong umais ng kanilang bahay at magbenta ng aliw. Sumama siya rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kung kaya't marapat lang na ito ang kaniyang gawin at kikita pa siya.
Answers & Comments
Answer:
1. HN
2. N
3. HN
Explanation:
1. sapagkat Ito ay malaswa at Hindi magandang tingnan at baka tularan pa Ng ibang mga Bata.
2. Sapagkat desisyon iyon Ni Mela at dapat irespeto at may Punto naman siya . Baka gusto niya na irespeto siya Ng ibang Tao dahil Sa ngayon tayu ay NASA toxic society maraming mga nanghuhusga .
3. Hindi purket ikaw ay nagalaw o may nangyayri na Sa Iyo ay sisirain Mo nalang Ang iyong buhay bagkos dapat bumangon at magsikap na maghanap ng marangal na trabaho. at pwede rin mag Aral ulit Sa Alternative learning / ALS. mahalaga na Tayo ay nakapag Aral Sa pagkat Ang pag Aral ay napa ka importanti .