Ang pagkakaroon ng matatag na kalooban ay nagpapakita na ang isa ay matibay, malakas at hindi agad sumusuko. Kailangan natin magkaroon nito para malagpasan natin ang mga hamon at suliranin sa buhay. Kapag may matatag na kalooban tayo, hindi agad tayo umaatras sa mga problema bagkus ay sinikap natin na makayanan ang mga ito, mahirap man o madali. At kapag nagtagumpay tayo dito, siguradong mayroon tayong katatagan. Gayundin, ang matatag na kalooban ay dapat naipapakita sa emosyonal, mental at pisikal na paraan. Kapag isa lang sa aspektong ito ang may katatagan, maaaring manghina tayo agad o kaya naman sumuko agad.
Pag-isipan ang mga puntong ito:
Ang matatag na kalooban ay madalas na nakikita kapag tuluyan ng nalagpasan ang hamon sa buhay. Pero para malinang ito, maaaring sanayin ang sarili natin na kahit sa maliliit na mga bagay ay maturuan ang sarili na tumibay. Magkaroon ng kaisipan na kaya mo ito at maging positibo kahit nahihirapan ka na. Malilinang din ito sa paglipas ng araw kung gugustuhin mo. Ipakita sa bawat problemang dadaan sa iyo na may matatag na kalooban ka. Nakadepende sa ating desisyon at paggawi kung talagang matatag tayo.
Answers & Comments
Verified answer
Matatag na Kalooban

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na kalooban: brainly.ph/question/722673
#SPJ2