Pagiging Malikhain
Ni: Mishel Cornelio
Bawat tao ay may taglay na pagkamalikhain.
Maraming bagay ang nakikita’t napapansin.
Lakas ng isipan ang siyang puhunan,
Paglikha ng mga bagay na nais pagtuunan.
Sa pagdating ng mga hamon at suliranin,
Tulad ng pandemyang COVID 19,
Mundo’y tumigil, maraming bagay na hindi dapat gawin,
Paglabas sa bahay huwag ugaliin.
Community quarantine sa buong bansa.
Parang nakakulong, at walang magawa.
Pagdarasal sa tuwina ay mahalaga,
Mga problema sa isipan ay hindi alintana.
Oras ay tumatakbo, tama na ang paghiga.
Paganahin ang isip, tumayo’t lumikha.
Pagsayaw, pagguhit at marami pang iba.
Magkaroon ng pagkakaabalahan at ika’y sasaya.
Maaring umabot pa ito ng ilang buwan,
Humawak ng mahigpit makakaya natin yan.
Laging lumapit sa kaniya, sa Poong Maykapal,
Upang itong COVID 19 ay ating malabanan.
Ang mga tao’y likas na malikhain,
Ito’y nagsisilbing gabay sa bawat mithiin.
Maging matagumpay sa buhay natin,
Kailangan ang isip, lakas at panalangin.
1. Ano ang aral na natutunan mo sa tula?
2. Nagbunga ba ng inspirasyon sa iyo ang tula?
3. Sa iyong palagay, paano makatutulong sa pag-unlad ng bansa ang pagiging
malikhain?
Answers & Comments
Answer:
naman nahuhurapan aku di ako makapag sagot di ko maintindihan po sorry
Explanation:
mag aaral rin po kasi ako sorry talaga
Answer:
1,ang aking natutunan ay ang pagiging malikhain at wag mawalan ng pag-asa sa ano mang hamon o suliranin
2,opo sapagkat ito'y naging makabuluhan sakin at nakakatulong sa aking pagyamanin ang aking sarili
3,makakatulong ito upang umunlad ang ating bansa sa pamamagitan ng pagiging malikhain sa araw-araw at sumunod sa ano mang ipinagagawa satin ng ating pangulo upang sa ganyang paraan makakatulong tayo bilang mamamayan sa pamamagitan ng pag sunod sa patakaran
Explanation:
hope it helps<33