pagiging isang Mga Batayang Tanong: 1. Sa palagay mo, paano mo masasabi na ikaw ay isang batang may disiplina sa sarili? 2. Naranasan mo na bang malagay sa isang sitwasyon kung saan naipakita mo na ikaw ay may disiplina sa sarili? Isalaysay ito at ang mga hakbang na iyong ginawa.
Answers & Comments
Answer:
1. Sa aking palagay, masasabi ko na ako ay isang batang may disiplina sa sarili kapag marunong akong makinig sa aking mga magulang, marunong akong ibalanse ang aking oras at natatapos ko ang lahat ng aking gawain sa tamang oras, at iniisip ko din ang kapakanan ng mga tao sa aking paligid.
2. Opo, naranasan ko na ito. Masasabi kong mayroon akong disiplina sa aking pag-aaral sapagkat kahit papaano ay natatapos ko naman ang lahat ng aking mga gawain ng maayos at sa tamang oras. Ang mga hakbang na ginawa ko upang magkaroon ng disiplina sa pag-aaral ay ang pagsasaayos o pagsusulat muna ng aking study schedule. Habang ako ay nag-aaral ay isinasantabi ko muna ang paglalaro at iba pang bagay na makakagambala sa akin hanggang sa matapos ako sa aking gawain.