Questions


October 2022 1 8 Report
(Paggampan # 4) Ibigay ang angkop na pamagat ng bawat talata? Isulat ang iyong sagot sa patlang. 1. Isa sa mga naging mahalagang personalidad sa People Power ay si Hilario G. Davide Jr. Siya ang punung-hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Siya rin ang nagtalaga kay dating Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong Pangulo ng bansa. Nakamit rin niya ang Ramon Magsaysay Award para sa paglilingkod sa pamahalaan noong 2002, dahil sa kanyang mahusay na serbisyo. 2. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian dilaw na gulay at prutas. at 3. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi nakakadalo sa Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan ito sa llog Naga sa paraang prusisyon ng mga bangka. 4. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga corals at iba pang laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan. 5. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya ang nakaimbento ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas na gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan. Hindi siya nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang Amerika para lamang ibenta ang kanyang imbensyon. Ito ang nagpapatunay ng kanyang hangaring makatulong sa ating bayan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.