Paggampan #1
Lumikha ng sariling sanaysay tungkol so sukraning kinchancrap ng ofing bansa.
Ang sulotin ay dapat na hindi bobobo so dolowong taloto. Solunggunaan ang mga
pangunahing kaisipan at bilugan ang pinakapaboritong bahagi biong pantulong na
kaisipan
Answers & Comments
PANUTO:
➢ Lumikha ng sariling sanaysay tungkol sa suliraning kinahaharap ng ating bansa. Ang sulatin ay dapat na hindi bababa sa dalawang talata. Salungguhitan ang mga pangunahing kaisipan at bilugan ang pinaka-paboritong bahagi bilang pantulong na kaisipan.
KASAGUTAN:
Ngayong taon, maraming suliranin ang kinahaharap ng ating bansa. Kasama na ang pandemyang hindi lamang ang ating bansa ang nakakaranas. Halos lahat ng suliranin ng ating bansa ay konektado sa umiiral na pandemya. Pagbagsak ng ekonomiya, pagkawala trabaho ng mga mamamayan dahil sa pagsara ng mga establisyemento, gutom at hinagpis ng mahihirap, sistema ng edukasyon, at marami pa. Ngunit maraming mga solusyon din kung susubukan natin.
Tayo ay maging responsable at disiplinadong mamamayan. Palaging magsusuot ng facemask at faceshield upang makaiwas sa malalang sakit o mas mabuting manatili sa bahay upang patuloy ang pagbaba ng kaso ng covid-19. Sa ganitong paraan, malaki ang tsansa na ang lahat ng suliranin sa ating bansa ay magwawakas, lalo na ang pandemyang ito.
Nakasalungguhit:
≫ Ngayong taon, maraming suliranin ang kinahaharap ng ating bansa. Kasama na ang pandemyang hindi lamang ang ating bansa ang nakakaranas. Halos lahat ng suliranin ng ating bansa ay konektado sa umiiral na pandemya.
Nakabilog:
≫ Tayo ay maging responsable at disiplinadong mamamayan. Palaging magsusuot ng facemask at faceshield upang makaiwas sa malalang sakit o mas mabuting manatili sa bahay upang patuloy ang pagbaba ng kaso ng covid-19.
✍Hope it helps!
#CarryOnLearning