Questions


December 2021 1 31 Report
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sa anong aspetong pagbabago ng nagdadalaga/nagbibinta makikita ang madalas na pagiging sensitibo, maramdamin, at naghahanap ng pansin sa kapwa at magulang?
a. Pangkaisipan b.Pangmoral c.Panlipunan d. Pandamdamin
2. Sa anong aspetong pagbabago ng nagdadalaga/nagbibinata makikita ang pagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian.
a. Pangkaisipan b.Pangmoral c.Panlipunan d. Pandamdamin
3. Sa anong aspetong pagbabago ng nagdadalaga/nagbibinata makikita ang madalas na pag-aalala sa pisikal na anyo at pangangatawan ng isang nagdadalaga/nagbibinata?
a. Pisikal b.Pangkaisipan c.Pangmoral d. Panlipunan
4. Sa anong aspetong pagbabago ng nagdadalaga/nagbibinata makikita ang may pag-aalala sa kapwa?
a. Pisikal b.Pangkaisipan c.Pangmoral d. Panlipunan
5. Nagaganap sa isang kabataan ang pinakamalaki at pinakamabilis na pagbabago sa maraming aspeto, lalo na sa pagbabagong pisikal at emosyonal na paraan.
a. Adolescence b.Early Adulthood c.Early Childhood d.Late Adulthood
6. Mahalagang maunawaan na ganap lamang na matatamo ang kakayahang mapaghandaan ang pag-aasawa at pagpapamilya sa aling yugto ng pagdadalaga/pagbibinata?
a. Unang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Buong yugto ng pagdadalaga/pagbibinata
c. Huling yugto ng pagdadalaga/pagbibinata at maagang yugto ng pagtanda
d. Kalagitnaan ng yugto ng pagdadalaga/pagbibinata hanggang sa pagtanda
7. Ang pag-upo nang maayos at pakikinig ng mabuti habang ang iyong guro ay nagsasalita ay isang palatandaan ng pag-unlad ng iyong inaasahang kakayahan at kilos bilang dalagita/binatilyo. Alin sa mga sumusunod ang palatandaang ito?
a. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
b. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
c. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
d. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal
8.Mayroong bagong kaklase si Tina na kakalipat lamang mula sa ibang paaralan. Gayunpaman, iniiwasan niya ito dahil ang bagong mag-aaral ay mula sa katunggaling paaralan. Alin sa sumusunod na angkop na inasahang kakayahan at kilos ang nabibigong palinangin ni Tina?
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad)
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa


9.Narinig mo mula sa mga kaibigan mo ang plano nila na maging-tambay nalang pagkatapos ng hayskul dahil nakakapagod ang pag-aaral. Sa kabila nito, gusto mo pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Ito ay isang halimbawa ng:
a. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
b. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
c. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
d. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
10.Kahit ang nagdadalaga / nagbibinata ay hindi na bata, kinakailangan pa rin niya ito. Alin sa sumusunod ang tinutukoy dito?
a. Padalos-dalos na pagpapasya
b. Pagiging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo
c. Maging ganap na tagapayo ng iba pang nagdadalaga / nagbibinata
d. Maging sarado at mailap sa mga mas nakatatanda

II. Essay
1. Ano ang mga mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao?
2. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?
3.Paano tunay na maipapakita ang pagiging mapanagutan sa iyong pakikipagkapwa?
4.Paano masasanay ang sarili na magkaroon ng positibong pag-iisip?
5.Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata?








pa help po summative namin Yan sa esp need ko na ngayun,Yung tamang sagot po please :(​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.