8Q1_M11-12:Pagbibigay ng Maaaring Solusyon/Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
A. Panuto: Basahin at unawain ang kuwentong "Si Mang Eddie" at sagutin ang katanungan.

Si Mang Eddie
ni Mary Jane F. Alampayan

“Titilaok… titilaok…” sunod-sunod na tilaok ng mga tandang na nasa kulungan sa bakuran ng tindahan ni Ka Ipe. Dinig na dinig ang palitan ng mga putak ng mga tandang sa mga kabahayan sa kanilang komunidad na nasa Santan barangay Fortune Lungsod ng Marikina.
“Madaling araw na, alas kuwatro na,” ang mahinang sambit niya sa kaniyang asawa na si Aling Editha.
Ang mga tilaok na kasi ng mga tandang ang nagsisilbi nilang orasan sa tuwing umaga sa kanilang paggising.
Dahan-dahan naman ding bangon ni Aling Editha.
Magluluto na muna ako ng ating almusal. Mauna ka na sa tindahan,” ang sabi niya habang papalabas na si Ka Ipe sa kanilang tahanan. Kailangan din kasi niyang lutuan ng pagkain ang iba pa nilang mga alaga bukod sa mga tandang.
Mayroon din kasi silang mga alagang pusa at aso na nagsisilbing bantay sa kanilang munting hanapbuhay.
Medyo malawak ang kinatatayuan ng kanilang tindahan sa isang bakanteng lote at si Ka Ipe ang nagsisilbing “care taker” dito.
“Ka Ipe” ang kaniyang naging palayaw sa kanilang komunidad: Pinaikling Kagawad Elpidio.
At bukod pa din sa mga alagang hayop sa kanilang bakuran, marami ditong mga punong kahoy tulad ng mangga, santol, abokado, ipil-ipil at kung ano-ano pa.
“Aw, aw, aw,” ang tahol ni Chuchu ang kaniyang kulay kayumangging aso na nasa bandang likuran ng tindahan.
Kinuha ni Ka Ipe ang kalderong lutuan ng pagkain ng aso at nagsimula ng magluto.
Habang siya’y nagluluto, naglagay na din siya ng tubig sa mga lagayan.
Pagkatapos ‘non kinuha niya ang walis tingting na nakasandal sa isang sulok ng tindahan at nagsimulang magwalis sa ilalim ng punong mangga.
“Kay dami na namang mga tuyong dahon,” ang sabi niya na tila ba nakikipag-usap sa kaniyang sarili.
Patuloy siya sa pagwawalis sa malawak na bakuran.
“Ako na dito sa banda dito,” ang sabi ni Mang Eddie isa sa mga kapitbahay ni Ka Ipe sabay kuha ng isang walis tingting at nagsimula na ding magwalis sa may bandang gitna ng bakuran.
Kalahating oras din ang ginugol ni Mang Eddie sa pagwawalis, kaya naman tumpok na ng tuyong dahon ang makikita mo sa ilalim ng punong santol na halos hanggang baywang na niya. Kaya naman naisipan niya itong sunugin dahil kung hindi liliparin lang ito ng hangin at magkakalat pa rin.
Kaniya na sana itong sisigaan, mabuti na lamang lumapit sa kaniya si Ka Ipe upang siya sana’y tulungan sa paglilinis.
“Ay Naku! Hindi mo iyan puwedeng sunugin,” ang sambit ni Ka Ipe.” Iyan ay ipinagbabawal,”dugtong pa niya.
“Ho?” sabay tanong ni Mang Eddie na tila hindi talaga alam na hindi maaaring magsunog ng kahit anong bagay.
“Kain na,” ang malakas na sigaw ni Aling Editha,” tanghali na.” “Mamaya na ulit iyan,” dugtong pa nito sa kaniya.
At nakita niya ang nakatumpok na mga tuyong dahon na winalis ni Mang Eddie. Sabay tanong, “Saan ninyo ngayon ilalagay ‘yan, napakarami niyan,” sabay turo dito. “Hindi ninyo naman iyan maaaring sunugin, bawal,” sabi niya.
“Halika na at kumain na muna tayo. Mamaya ‘paggising ng anak mo saka kayo gumawa ng butas upang doon ninyo ilagay ang mga tuyong dahon na iyan,” ang pag-uutos ni Aling Editha sa kaniyang asawa sabay lakad nila pauwi sa kanilang bahay.

Tanong:

Ano ang SULIRANIN sa binasa? Magbigay ng maaaring SOLUSYON dito.










B. Panuto: Basahin ang maikling talata at sagutin ang mga tanong.

______________________________
ni Mary Jane F. Alampayan
Alam n’yo ba na ang pagkain ng saluyot ay maganda sa kalusugan? Marami itong naibibigay na benepisyo sa ating katawan. Ngunit karamihan sa atin ay di ito alam kainin. Ang iba pa nga’y pinandidirihan pa ito dahil sa madulas nitong katangian. Ang di nila alam ito’y maraming taglay na bitamina. Na siyang kailangan natin upang ang katawan ay lumakas. Panlaban natin ito sa mga sakit lalo pa sa panahon natin ngayon na may kumakalat na sakit na di natin alam kung papaano mapupuksa.
Ang saluyot ay isang dahon na minsan ay makikita lang natin sa kung saan-saan. Mayroon nitong tumutubo lang sa kung saan at tinatawag na ligaw na saluyot ngunit ang iba nama’y sadyang itinatanim pa.
Ito’y kalimitang kinakain ng mga Ilokano sa La Union at sa Ilocos. Minsan sa ibang lugar na may nakatirang galing sa mga lugar na ito.
Ang saluyot ay madalas inihahalo sa labong na isang bagong usbong na kawayan. Minsan nama’y iniluluto lang ito sa pamamagitan ng pag-aadobo hindi sa toyo kundi sa bagoong na isda.
Sadyang napakasarap ng gulay na ito. Para sa iba, ito’y simpleng damo at walang pakinabang na makukuha rito.
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang isang dahon na ito na tinutukoy sa talata?




2. Ano ang naibibigay nito sa katawan ng tao?




3. Saan madalas makita ito?




4. Ano sa palagay mo kung bakit hindi ito alam kainin ng iba?




5. Ibigay ang angkop na pamagat sa binasa.

____________________________________________________________________________

Answer ‘s

1.

2.

3.

4.

5.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.