Pagbaba ni Kiko sa salas galing sa kanyang kwarto ay nakita niya ang kanyang ate at kuya na abala sa pag-aayos ng mga damit at pagkaing delata sa isang maliit na kahon. Tinanong niya ang mga ito, "Ate, Kuya, anong ginagawa ninyo?" Sumagot ang kanyang kuya Dino, “May nasunugan sa kabilang kanto Kiko. Heto at pinakuha ni nanay ang mga damit namin na hindi na ginagamit. Baka makatulong ito sa kanila." “Dinagdagan na din namin ng kaunting pagkain," dagdag ng kanyang ate Stephanie. Saglit na natahimik si Kiko at napaisip. Nais niyang tumulong kaya't sinubukan niyang alalahanin kung siya din ay may mga damit na hindi na niya naisusuot. Maya-maya ay bumalik siya sa kanyang kwarto at may kinuha. "Ito pa ate, kuya, pakidagdag na din itong mga damit na ito. Maayos pa iyan ngunit hindi na kasya sa akin,” wika ni Kiko na halos abot sa magkabilang tainga ang ngiti. 1
Answers & Comments
Answer:
asan po sasagutan?
Explanation:
jddhdufhejcb