Questions


January 2022 0 3 Report
Pag-usapan natin sa bahaging ito ng ating paglalakbay ang tungkol sa mga kapatid nating Blaan. Ang Pilipinas ay isang multilinggwal at multikultural na bansa. Binubuo ng mahigit 180 na mga wika na may kani-kaniyang kultura, tradisyon at relihiyon. Mga katangian na natatangi sa iba. Dulot ng pananakop ng mga Kastila naging sentro ng Kristiyanismo ang Pilipinas ng Asya ngunit nanatili ang malaking bahagi ng Mindanao sa relihiyong Islam. Isa sa mga ipinagmamalaki ng mga lahing Pilipino na mayroon sa pinakamayamang kultura at makulay ay ang mamamayang Blaan. Ang mga Blaan ay isang tribong pamayanan ng Timog Mindanao. Ang pangalan ng katutubong pangkat na ito ay nagmula sa mga salitang “Bla" at "An" ay nangangahulugang mga "manggagawang tao". Ang mga Blaan ay kilala bilang "hospitable" o maaalahanin sa kanilang mga bisita kahit gaano pa ito kaabala sa kanilang mga trabaho o pamumuhay. Kadalasan ay binibigyan nila ito ng pagkain tulad ng tinapay o saging at kape. Nagsasagawa rin sila ng kanilang mga ritwal na mga awitin at sayaw sa mga bisita na ibig sabihin ay mainit o malugod nilang tinatanggap ang kanilang mga bisita. Nakasanayan na rin bilang parte ng kultura ng mga Blaan ang pagbabarter o ang paggamit ng isang bagay upang ipagpalit sa bagay na iyong ninanais.

Ang buhay ng Blaan ay umuusbong sa kanilang pamilya na karaniwang nabubuhay sa loob ng isang pangkat na binubuo ng higit sa isang asawa at mga kamag-anak na magkasamang nakatira sa iisang bubong. Ginagawa nila ito upang maprotektahan ang kanilang pag-aari at maging ligtas mula sa panghihimasok ng ibang tao. Ang katangiang ito ng mga Blaan ay kagaya rin ng kaugalian ng mga Pilipino, binubuklod ang bawat pamilya upang magkaisa sa anumang hamon ng buhay.

Situation 1

Maraming pangyayari sa ating kasaysayan na nakakaapekto sa pag-iisip, gawi at pamumuhay ng mga Pilipino. Isang halimbawa nito ang mga kapatid nating Blaan. Sa iyong palagay ano kaya ang nakaapekto sa kanila kung bakit ganito ang kanilang kultura at paniniwala sa kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa puwang.

Sagot:
________________________________________________________________________________________________


Situation 2

Kaibigan, minsan nga naisip ko rin, ano kaya ang itsura ng Pilipinas kung hindi tayo nasakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon? Kung nalinang sana ang sibilisasyong itinayo ng ating mga ninuno, ano kaya ang kalagayan ng ating bansa sa kasalukuyan?

Sagot:
________________________________________________________________________________________________


Pa help please.​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.