Pag-isipan at suriin ang bawat hanay ng mga
salita na nasa talahanayan. Ano ang napapansin mong isinasaad ng mga pang-abay na nasa Hanay A? Ano ang inilalarawan ng mga ito? Anong pananong ang maaaring sagutin ng mga pang-abay na ito?
Sa hanay B, ano ang napapansin mo sa mga pang-abay na nakatala? Ano ang inilalarawan ng mga pang-abay na ito? Aling pananong ang maaaring sagutin ng mga ito?
Suriin mong maigi ang mga pang-abay sa Hanay C. Ano ang napapansin mo sa mga pang-abay na nakatala sa hanay na ito? Ano ang inilalarawan ng mga salitang ito? Aling pananong ang maaaring sagutin ng mga ito?