Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

1
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
2
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
3
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t
mangmang nagiging dakila at
iginagalang.
4
Pagpupuring lubos ang nagiging
hangad sa bayan ng taong may dangal
na ingat, umawit, tumula, kumatha’t
Handang ialay lahat nang
mahalagang bagay para sa
bayan maging ang sariling

buhay.

5

sumulat, kalakhan din nila’y
isinisiwalat.
5
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa bayang
nagkupkop, dugo, yaman, dunong,
katiisa’t pagod, buhay ma’y abuting
magkalagot-lagot.
6
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
7
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
8
Sa kanya’y utang ang unang
pagtanggap ng simoy ng hanging
nagbigay lunas, sa inis na puso na
sisinghap-singhap, sa balong malalim
ng siphayo’t hirap.
9
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.

hanggang sa katawan ay mapasa-
libingan.

10
Ang nangakaraang panahon ng aliw,

ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
11
At ang balang kahoy at ang balang

sanga na parangniya’t gubat na kaaya-
aya sukat ang makita’t sa alaala

ang ina’t ang giliw lampas sa saya..
25
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't
sukat ng bala-balakit makapal na
hirap muling manariwa’t sa
baya’y lumiyag.
26
Kayong mga pusong kusang inuusal
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
27
Kayong mga dukhang walang tanging
sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay
lunas sapagkat ang ginhawa niya ay sa
lahat.
28
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang
itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay
mapatid ito’y kapalaran at tunay na
langit.

Gawain 1
1. Isulat ang mga saknong sa loob ng kahon na nagpapakita ng pag-ibig sa
tinubuang lupa at sa hugis puso naman ay ang iyong pagkaunawa sa saknong.

2. Isulat ang saknong na nagpapakita ng pag-asam ng pag-asa at ipaliwanag.

3.Isulat ang saknong na nagpapakita ng pag-aalay para sa bayan, at ipaliwanag.




pasagot naman po ng maayos salamat po!:)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.