Questions


October 2022 1 0 Report
Pag-aralan mo ang mga sumusunod na talatang bumubuo sa isang talambuhay na
nasa ibaba. Piliin sa mga sumusunod na titik ang katumbas ng buod.

A. Mga gawaing ginampanan at trabahong pinasukan ni Bonifacio

B. Ang pagkakatatag ng samahang katipunan

C. Kapanganakan at Kabataan ng Dakilang Maralita

D. Mga taguri kay Andres Bonifacio

E. Mga akdang binasa ni Bonifacio

1. Itinuring ng ating kasaysayan bilang “Tunay na Bayani ng Masa.” Maraming taguri
kay Andres Bonifacio. Tinatawag siyang “Ang Dakilang Mahirap.” Nakikilala na
siya bilang “Ama ng Katipunan” at “Ama ng Demokrasyang Pilipino.

2. Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863.
Maralita ang angkang kaniyang pinagmulan. Maaga siyang naulila. Labing-apat na taong gulang siya nang mapaatang sa kaniyang balikat ang pangangalaga sa lima
niyang kapatid.

3. Gumawa siya ng mga baston, tungkod at pamaypay na naging mabili sa mga

nakaririwasang angkan at maging sa mga Español. Nagtrabaho siya bilang

mensahero sa istasyon ng tren sa Tutuban at isa ring bodegero. Upang
maragdagan ang kanilang pang-araw-araw na panustos, nagtitinda siya at nag-aahente ng iba’t ibang paninda at produkto.

______4. Hindi siya nagkapalad na makapag-aral at makatungtong ng kolehiyo.

Gayunpaman, buong tiyaga niyang binasa ang ilang mga aklat pangkaisipan.Ilan sa mga ito ang History of the French Revolution at ang Noli at Fili ni Rizal.

5. Noong gabi ng Hulyo 17, 1892, itinatag ni Bonifacio ang isang makabayang
samahan. Tinawag niya itong KKK sagisag ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Layunin nito na mapalaya ang

mga Pilipino sa mapaniil na pananakop ng mga Español.

Pasagot po ng maayos : )​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.