PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
A. Panuto: Piliin ang wastong pandiwa na kukumpleto sa bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Habang ako ay nag-aral, nag-aaral, mag-aaral) noong
Enero ay napanood ko ang isang malungkot na balita. Pumutok
ang Bulkang Taal. Dahil dito maraming residente ang (lumikas,
lumilikas, lilikas) ng kanilang tahanan.
Kung dati ay (ginamit, ginagamit, gagamitin) nila ang mga
hayop gaya ng kabayo sa pagtatrabaho, hindi na nila ito naisama
sa paglikas. Maraming alagang hayop ang naiwan, naiiwan,
maiiwan).
Sa kabila ng trahedya, (bumuhos, bumubuhos, bubuhos)
ang tulong mula sa iba't ibang lugar. Mayroon ding mga tumulong
at (sinagip, sinasagip, sasagipin) ang mga naiwang hayop.
B. Panuto: Ayusin ang mga
pangyayari sa isang timeline.
Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na mula sa
coronavirus. Naitala ang ilang kaso ng pneumonia mula sa hindi
pa kilalang coronavirus noong Disyembre 31, 2019 sa Wuhan,
China.
Sa Pilipinas, ang unang kaso ng sakit na ito ay mula sa
isang babaeng Intsik. Naiulat ito noong Enero 30, 2020.
Opisyal na tinawag ng World Health Organization ang sakit
na ito bilang Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 nitong ika-12
Pebrero ng kasalukuyang taon.
Marso 7, 2020 nagkaroon ng kauna-unahang local
transmission sa Pilipinas. Ito ang naging hudyat ng pagkakaroon
ng community quarantine sa iba't ibang panig ng bansa.
Answers & Comments
Answer:
nag aaral, lumikas, ginagamit, naiwan, bumuhos, sinasagip