Pag-alam sa mga Natutuhan Balikan ang kuwentong “ Mabigat Na,” Magtala ng mga pang-uring ginamit sa

paglalarawan at isulat ang kaantasan nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. PANG-URI KAANTASAN 1
2
3
4
5 MABIGAT NA

ni Gng. Daisy G. Sese

Si Reena ay bunsong anak nina Mang Rey at Aling Clara. Siya ay nasa Ikaapat

na baitang at ang kaniyang Ate Grace naman ay nasa Ikalimang Baitang. Magsingsipag

ang magkapatid sa kanilang pag-aaral.

Napansin ng mag-asawa na mas malaki at mas mabigat na si Reena kaysa sa

kaniyang Ate Grace. Mahilig kasi itong kumain ng maaalat na “junk foods” at uminom

ng “soft drinks”. Matakaw din siya sa matatamis na kendi at tsokolate. Ayaw na ayaw

naman niya ng gulay. Napipilitan lang siyang kumain nito para hindi mapagalitan ni

Aling Clara.

Kabaligtaran siya ni Grace. Paborito nito ang gulay at prutas. Mahilig siyang

kumain ng kamatis at carrots. Dahil dito siya ang may pinakamagandang kutis sa

kanilang magpipinsan. Balingkinitan lamang ang kaniyang katawan kaya mabilis

siyang kumilos.

Minsan naglaro ang magpipinsan ng habulan sa hardin. Higit ng mabilis si Grace

kaysa kay Lou. Si Amy ang pinakamabilis sa kanilang lahat. Naging mabagal naman si

Reena dahil sa kaniyang timbang. Nakaramdam din siya ng mabilis na pagkahingal.

Napaisip siya. Nasabi niya sa sarili na kailangan na niyang magbawas ng

timbang upang muling maging maliksi. Nangako siya na kakain na ng masustansyang

gulay at ititigil na ang pagkain ng “junk foods”.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.