Padabog na lumabas si Luna upang bumili ng toyo at suka. Habang siya ay naglalakad, napansin niyang may nagkalat na basura sa paligid. Hinayaan na lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Kinabukasan ay pumasok siya sa eskwelahan. Nakita niya ang kanyang guro na maraming dalang gamit ngunit hindi niya ito tinulungan. Nakita ito ng kanyang kakambal na si Liza kaya ito na lamang ang tumulong sa guro. Pagdating naman sa pag-aaral ay laging bagsak ang grado ni Luna kaya palagi na lamang siyang iritable at galit sa kanyang kapatid. Isang umaga, araw ng Sabado, napagtanto niya na dapat ay tularan niya si Liza upang maging maayos din ang kanyang buhay. Simula ng itama niya ang kanyang mga kilos at gawi ay mas naging magaan ang kanyang resposibilidad sa lahat. Naging mas maayos na ang lahat kaysa sa dati niyang buhay. Mabilis na lumipas ang panahon, si Luna ngayon ay isa nang magaling na doktor na may mabuting puso na handang kumalinga sa lahat. Ang kanyang kapatid naman na si Liza ay isa ng sikat na mananayaw. Nakamit nila ang kanilang pangarap dahil sa kanilang pagiging mapanagutan sa sarili, mabait at masunuring mga anak.
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino ang kambal sa binasa mong kwento?
2. Anong pag-uugali mayroon sa tahanan si Luna sa simula ng kuwento?
3. Paano sumunod sa utos ni Aling Karing si Luna? Sa iyong palagay, angkop ba ang kanyang ginawang pagsunod? Bakit?
4. Ano-ano naman ang angkop na pag-uugaling ipinakita ni Liza sa tahanan at paaralan?
5. Dapat bang tularan si Liza? Bakit?
6. Sa katapusan ng kuwento, nagtagumpay ba ang magkapatid? Paano nila nakamit ang kanilang mga pangarap?
pasagot po ng maayos please
nonsense report
Answers & Comments
Answer:
1.Luna at liza
2.Tamad
3.Kase hindi sya sumunod sa utos ng kanyang Nanay
4.Masipag sa pag aaral, matulungin
5.Oo. kase isa syang mabuting bata at mag aaral
6.Oo. Nagsikap si liza at nag bago naman ng ugali si luna kaya Nakatapos sila ng pag-aaral..