paanswer kung mahal mo ang panginoon tulungan mo akong mas marami pang malaman tungkol sa kanya para sa akin po lagi natin syang nasa tabiD
1.May nakakakita pa ba sa panginoon ngayon?
2.may himala pa bang nangyayari ngayon ilang taon na ang nakalipas 3.Muli bang magbabalik at mamapiling muli natin ang panginoon tulad ng nangyari noon
4.Minsan ba naisip mo na hindi totoo Ang panginoon oo hindi at bakit? sakin naniniwala ako Kay papa Jesus at sa amang lumikha
5.6 Wala bang pagkakamali sa bible perpekto ba Ang pagkakasulat dito halimbawa Totoo tas yung nalagay is totoe ganyan
7wag mawalan ng pag nanjan ang panginoon para gabayan ka ng panginoon
Answers & Comments
Answer:
MAHAL KA NG DIYOS
Alam mo ba kung sino ang pinakanagmamahal sayo? Siya ang Pinakamakapangyarihang Diyos, ang Lumikha sa atin (Pahayag 1:8; Genesis 1:26-27; 2:7). Mahal na mahal ka nitong walang hanggan na Diyos at pinadala niya si Hesu-Cristo, ang tanging Anak niya, para mamatay sa krus, para mapatawad ang iyong mga kasalanan (Lucas 23:34).
Alam mo ba kung bakit mahal ka ng Diyos? Dahil mapagmahal Siyang Diyos na lumikha sayo sa Kanyang wangis. Hindi kailanman mamamatay ang iyong kaluluwa at mas mahalaga ito para sa Diyos kaysa sa buong mundo (Mateo 16:26). Mahal ka ng Diyos, pero galit siya sa kasalanan at kailangan niya itong hatulan. Nakakasakit sa puso ng Diyos ang kasalanan; inihihiwalay ka nito mula sa Kanya. Sa araw ng paghuhukom, sasabihin ni Hesus sa mga makasalanan, “Lumayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda sa diyablo at sa kanyang mga anghel”; “…ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan” (Mateo 25:41,46).
Dahil sumuway sa Diyos ang unang Adam, pumasok sa mundo ang kasalanan, sumpa, sakit at kamatayan; naging makasalanan tayong lahat, at nahatulan tayo sa walang hanggang apoy sa impierno. Pero mahal ng Diyos ang mga tao, na nilalang Niya, at tinubos Niya sila sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo at ibinalik Niya lahat ng pagpapala na nawala ni Adam dahil sa kasalanan at pagsuway niya (Roma 5:1-21; Efeso 1:3-14).
Namatay si Hesus para sa iyo para hindi ka mahatulan, para mabuhay ka na kasama ang Diyos sa langit ng walang hanggan kung ilalagay mo ang iyong pagtitiwala ka sa Kanya. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23).
Makikita mo kung gaano ka kamahal ng Diyos. Hindi Niya pinadala ang isang anghel Niya para iligtas ka, pero ipinadala Niya ang tanging Anak Niya sa mundo para tubusin ka dahil mahal ka Niya. Sabi ni Hesus, “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). Kahit ganun, santo at matuwid ang Diyos. Tatanggapin ka lamang Niya kung magsisisi ka at tanggapin mo ang bayad-puri ni Cristo para sa mga kasalanan mo (Juan 3:3; Roma 3:24-26. Sinabi ni Hesus, “kayo’y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo” (Marcos 1:15).