“Ang Talinghaga ni Mariang Makiling: Isang Panimulang Makapilipinong Teoryang Feminista” ni Rosario Cruz Lucero ay tungkol sa mga anyo ni Mariang Makiling sa iba’t ibang bersyon ng kuwento.
Unang-una pinapakita ng awtor na nag-iba ang tingin ng lipunan sa mga babae ngayon. Dati, ayon sa Philippine mythology, ang mga babae ay nakikita bilang malakas at matapang kagaya ni Dagau, Mebuyan, Matabagka, at iba pa. Ang Dagau ay isang manlilikha at tagapamayapa. Ang mga Babaylan naman ay prinsesa na nagdadasal sa langit para sa mga kailangan niya. Karaniwan ay tinutulungan niya at pinapagaling niya ang agrikultura at medisino na sektor ng lipunan. Sinabi na ang mga lalaki ay kayang maging mga babaylan lamang kung kumilos siya kagaya ng babae. Ang Membuyan naman ay diyosa o diwata na may maraming suso, ang dating simbolismo ng pangangalaga. Sa karaniwang panahon, may sekswal na aspekto ang mga suso; sila ay nagiging fetish ng mga tao. Nakikita na rito ang pagkakaiba ng tingin sa mga babae dati at ngayon.
Ngayon, ang mga babae raw ay nagiging simbolo lamang ng kahinaan ng lalaki. Maaring masabi na ang pagbabago ng paningin sa babae ay nagsimula sa panahon ng kolonisasyon. Dahil sa impluwensya ng mga Kastila, ang mga malalakas na diwata (gods) ay nakilala bilang encantadas (faries/forest nymphs) na lang. Nakikita ito sa iba’t ibang bersyon ng alamat ni Mariang Makiling sa paglipas ng panahon.
Answers & Comments
Answer:

Credits: https://brainly.ph/question/5433022