Paano nga ba mas maipakikita ang paggalang sa dignidad ng kapwa? Basahin ang usapan ng magkaibigang Lito at Lita 1. O bakit tila yata nalinis ka, Lita? 2. Ang kulit kasi ng matanda sa bangketa. Hingi nang hingi sa akin. Ang baho pa naman niya! 3. Anong sinabi mo sa kaniya? Binigyan mo ba? 4. Siyempre, hindi! Ano siya, sini -swerte? Pagkain ko 'to e. Bahala siya sa buhay niya, 5. Naku, kaibigan, mukhang kailangan mong pag-isipan kung tama ang iyong ginawa. 6. Huh? Bakit parang kasalanan ko pa, Lito? NG ER 7. Hindi ba itinuro sa atin sa EsP na bawat tao ay may dignidad at kailangan natin itong igalang. 8. Weh? Kahit mahirap? Kahit pulubi o taong grasa? 9. Oo. Anoman ang kalagayan sa buhay, anyo, kulay, lahing pinagmulan o kasarian ay may dignidad na taglay. 10. Ay oo nga pala. Nabasa ko rin iyon. Isang pagsubok pala ang naganap sa akin kanina. Hindi ako nagtagumpay na magawa sa totoong buhay ang itinuturo sa atin ng mga aralin. Nakakahiya. 12. Mainam, Lita. Tama iyan. Halika, sasamahan kita sa kaniya. Iaabot ko rin itong mga maaayos pang damit sa kaniya. 11. Nagsisisi ako. Babalik ako roon at hihingi ng tawad. Magbibigay na rin ako ng kahit kaunting tulong.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.