Ang awiting-bayan ay isang masining na paraan ng pagpapahayag ng sariling opinyon at saloobin. Gayundin, ito’y isang paraan ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng sariling pagkakakilanlan. Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na lalo pang pinaniningning ng mga katutubong panitikan. Sa araling ito ay bibigyang-pansin at itatampok ang mga awiting- bayang Bisaya o Visayan folksongs at mga bulong sa Bisaya.
Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kailanman’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na maging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man nasusulat ay sa isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at naisatitik ang mga awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ang mga ito.
Answers & Comments
Answer: