Paano nakatutulong ang pagguhit at pagpipinta sa pagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga pamayanang kultural?
A. nagmumulat ito ng kamalayan tungkol sa mayayamang kultura nila.
B. nagiging inspirasyon ito para magaya mo ang mga kaugalian nila.
C. nakapaloob dito ang lahat ng elemento ng sining.
D. nagpapakita ito ng tamang estilo sa pagguhit.
2. Aling prinsipyo ng sining ang nagpapakita ng tamang laki ng mga
bagay sa mga iba pang bagay sa guhit o larawan?
A. armonya B. balanse C. paulit-ulit D. Proporsiyon
3. Alin sa sumusunod ang elemento ng sining na gumagamit ng mga
tinta sa pagsasabuhay ng mga dibuho o larawan?
A. espasyo B. kulay C. linya D. ritmo
Subukin
1
4. Ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki
at taas ng mga ito.
A. hugis B. krokis C. laki D. proporsiyon
5. Ano ang tawag sa pagpipinta kung saan ang paksa ay patungkol sa
kabukiran, kagubatan, at tanawin sa kapatagan.
A. Cityscape painting C. Landscape painting
B. Floral painting D. Seascape painting
6. Ang kulay na berde ay karaniwang ginagamit sa aling sumusunod na
mga bagay?
A. buhangin, araw, tubig C. dagat, kalawakan, ulap
B. bundok, damuhan, dahon D. mansanas, kanin, baka
7. Bakit kailangang isaalang-alang ang proporsiyon at espasyo sa
pagguhit?
A. upang maging kakaiba ang larawang iginuhit.
B. upang maging makulay ang larawang iginuhit.
C. upang maging malamlam ang kulay ng larawang iginuhit.
D. upang maging mas makatotohanan ang larawang iginuhit.
8. Kung ikaw ay nakabisita o napadpad sa lugar na tinitirhan ng mga
pangkat-etniko, paano mo maipakikita ang respeto at pagpapahalaga
sa kanila?
A. gawing libangan ang kanilang kapaligiran.
B. magmasid sa kanilang kultura at huwag pansinin ito.
C. igalang ang kanilang kultura at maging sensitibo dito.
D. gamitin ang kanilang mga kagamitan nang naaayon sa gusto.
9. Paano ipinapakita ng artist ang isang mainit na mood ng larawan o
dibuho?
A. gumuguhit siya ng mga umuusok at mga apoy sa kaniyang mga
disenyo.
B. gumagamit siya ng kulay bughaw at berde sa kaniyang mga obra.
C. gumagamit siya ng mga kulay na pula at dilaw sa kaniyang obra.
D. wala siyang gagamiting kulay.
10. Ano-anong halimbawa ng mga bagay ang makikita kapag
inilalarawan mo ang pamayanang kultural sa kabundukan sa
pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta?
A. Banaue Rice Terraces, bulubundukin, mga bahay na yari sa
kawayan.
B. karagatan, palaisdaan, at mga bahay na nakatayo sa tabing dagat.
C. mga bahay na may disenyong okir, sarimanok, at pako-rabong.
D. malalaking gusali, mahabang kalsada, at mga pabrika
Answers & Comments
Answer:
ADEBDCABBC
Explanation:
dats Tru trust meh