Ang pag-aaral ng kaligirang pangkasaysayan ng anumang akda ay makatutulong upang mas mapalawak ng isang mag-aaral ang kaniyang kaalaman tungkol sa kaniyang pinag-aaralan. Mas nagiging makabuluhan ang isang bagay kung alam natin ang pinanggalingan nito at kung para kanino ito nilikha. Katulad na lamang ng akdang El Filibusterismo, mas napahahalagahan natin ito sapagkat alam natin na ito ay may kaugnayan sa ating kasaysayan at dahil din sa alam natin na ito ay sinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Dahil sa mga salik na ito ay mas nagiging mahalaga at makabuluhan ito para sa ating Pilipino. Ito rin ay isa sa mga yaman ng ating lahi. Nagiging dahilan din ito upang mas mabigyan natin ng pagpapakahulugan ang mga salita.
Answers & Comments

(sana makatulong po)
Answer:
Para maipakita Ang kahalagahan ng kasaysayan sa nobela upang maibsan Ang pananakop ng espanyol sa mga pilipino.
Explanation: