Dahil sa kabaitan ni Don Juan na ipinamalas niya sa mga taong kanyang nasalamuha ay mas napadali ang kanyang misyon na hulihin ang ibong Adarna sapagkat ang mga taong pinamalasan ng kabaitan ni Don Juan ay ang parehong mga tao rin na gumabay at tumulong sa kanya para makaiwas sa mga panganib o sakuna bunsod ng kanyang paglalakbay.
Ang pagkakaroon ng mabuting puso ay ipinapakita ni Don Juan sa pamamagitan ng pagiging mabuting kapatid, mabuting anak, at mabuting kapwa tao. Ilan sa mga pangyayari kung saan ipinakita ni Don Juan ang kanyang mabuting puso sa akdang "Ang Ibong Adarna" ay ang pagbibigay niya ng kanyang natitirang baong tinapay sa isang matandang leproso na sugatan at parang lumpo nakasalubong niya sa kanyang paglalakbay na humihingi ng pagkain. Makikita rin natin ang pagkakaroon ng mabuting puso ni Don Juan sa pagpapatawad niya sa kanyang mga kapatid na nagtraydor sa kanya at sa pagliligtas ng mga taong nangangailangan ng tulong gaya ng mga prinsesa na binabantayan ng higante at serpyente na sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonor
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
Sana makatulong