Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Sinasabing ito rin ay makapangyarihang sandata o salik ng komunikasyon. May malaking papel itong ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan. Ang telebisyon, radio at internet ay mga halimbawa ng makapangyaring mass media. Ito ay “accessible” kahit sa maliliit na pamayanan sa ating bansa. Sa pamamagitan ng mass media ay nakakapangalap tayo ng mga mahahalagang impormasyon at balita sa mga bagay na nangyayari sa ating paligid, gayundin sa malayong lugar na maaring maabot ng medya at sa buong mundo.
Makakatulong rin ito sa pagunlad ng Panitikang Pilipino dahil mas makakapagpahayag tayo ng pasalita o pasulat ng mga damdamin nating mga Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pang pulitika at pananampalatayang niyayakap ng mga Pilipino.
Kahalagahan ng Mass Media
Sa pamamagitan ng mass media, nalalaman ng mga tao ang mga papasok na sakuna at kalamidad sa bansa gayundin, nagpapabatid ito sa takbo at kalagayan ng panahon.
Sa pamamagitan ng balita dulot ng mass media, nakakapaghanda agad ang mga tao sa paparating na sakuna o kalamidad.
Nalalaman din ng mga tao ang mga impormasyon tungkol sa mga programa at proyekto ng pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng bansa.
Ang mass media ay nagpapayaman ng talasalitaan ng mga tao dahil nagbibigay ito ng mga dagdag na karunungan at kaalaman.
Nagpapalawak ito ng mga kaalaman tungkol sa paligid.
Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.
Nabibigyan ng mass media ng tuwa o “entertainment” ang mga tao sa isang komunidad.
Sa mass media, nalalaman ng bawa’t isa kung ano o “in” o “trending” na nakakatulong sa mga negosyo sa mga komunidad. Ang patalastas o mga “advertisement” tungkol sa makabagong produkto ay idinadaan din sa mass media. Kung kaya’t ang mass media ay sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang panahon ng komersyalismo.
Nakapagpapaunlad ito at nagiging mahusay ang komunikasyon ng mga tao.
Samakatuwid ang mass media ang nagpapalawak ng mga kaalaman sa mga mamamayan o tao sa isang lipunan. Nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa kapaligiran, sa isang lipunan sa buong bansa at sa buong mundo.
Answers & Comments
ANSWER:
Mass Media

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mass media, magtungo sa mga link na: brainly.ph/question/773364, brainly.ph/question/886652
#LetsStudy