Ang emphysema ay isang uri ng pangmatagalan at progresibong uri ng sakit sa mga baga. Ang sakit na ito ay kabilang sa mga kondisyong kung tawagin ay chronic obstructive pulmonary disease o COPD. Ang katawagan ng kondisyong ito ay buhat sa Latin na emphysema na ang kahulugan ay “pamamaga.”
Ang sakit na ito ay nagdudulot ng pamamaga ng mga baga at pagkakapos ng hininga. Sa mga taong may emphysema, nagkakaroon ng kasiraan sa ilang bahagi ng mga baga na nagdudulot ng pamamaga ng mga ito na nagiging sanhi ng hirap sa paghinga.
Ang isa sa pinakakaraniwang sanhi ng sakit na ito ay ang paninigarilyo. Maaari ring magdulot ng emphysema ang mga kemikal na nalalanghap.
Ang mga taong mayroong emphysema ay karaniwang makararanas ng pabalik-balik na pag-ubo, labis na kakapusan ng hininga, at pananakit ng dibdib bunga ng pamamaga ng mga baga.
Nilulunasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng mga bronchodilators, mga antibiotics, at maging ng operasyon (pagtapyas sa itaas na bahagi ng apektadong baga para mabawasan ang laki nga mga ito).
Answers & Comments
Answer: