Ang paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan. Ito ay pampolitika na paglulustay kung ito ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong bayan na kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling paggamit na hindi itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang isang opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin ang kanyang bahay. Sa batas ng Pilipinas, ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang opiser na pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00) ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan. Ito ay:
Sa pamamagitan ng paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal ng mga pondong pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, persentahe, mga kickback o ano pa mang mga anyo ng pangsalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opiser ng publiko;
Sa pamamagitan ng ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian na pag-aari ng pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumentalidad o mga pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyario nito;
Sa pamamagitan ng pagkakamit, pagtanggap ng direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o ano pa mang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa;
Sa pamamagitan ng paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan (commercial) na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o
Sa pamamagitan ng higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang/mga sarili nito sa panganib o kapinsalaan ng madlang Pilipino at Republika ng Pilipinas.[1]
Answers & Comments
Answer: