* Mga ekspresyon nagpapahayag ng mga pananaw halimbawa ayon, batay, para, sang-ayon, sa/kay, ganoon din sa paniniwala / pananaw / akala ko, ni / ng:
- ano ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw / ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw
Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananay ay ang mga pangungusap na sumusunod sa mga katagang ayon, batay, para, sang-ayon, sa/kay, sa paniniwala / pananaw at akala ko, ni / ng.
- halimbawa ng pangungusap na nagpapahayag ng konsepto ng pananaw o halimbawa ng konsepto ng pananaw
Ang mga mababasa ninyong halimbawa ay mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon. Ibig sabihin, hindi lamang ekspresyong katotohanan ang mababasa kundi may halo na rin ang mga ito na mga ekspresyong opinyon. Sa bagay, ang hinihingi naman ng katanungan ay mga ekspresyong nagpapahaya ng mga pananaw:
Ayon – Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay tatama at magla-landfall sa Pilipinas sa darating na Miyerkules o Huwebes. Ayon din sa NDRRMC, dapat ay maging handa na bago pa man maminsala ang bagyo dahil sigurado, dahil sa lakas ng bagyo, magkakaroon na naman ng mga pagbaha, landslides, at pagkasira ng mga mahuhunang bahay.
Batay, Sang-ayon – Batay sa mga nakalap kong kuro-kuro sa mga kanto, mas progresibo pa raw mag-isip si Vice Ganda kaysa sa ating mga gobyerno. Hindi niya ako fan pero sang-ayon ako dun. Nagagawang itama ng noontime host ang sarili at nagpapalaganap ito ng mga kaisipang panlipunan na ikauunlad ng isang bansa pero ang gobyerno sa kasalukuyan ay sila pang sumisira sa sarili nilang porma’t imahe.
Para – Para hindi tuluyang mabaon sa kamalasan ang ating bansa, kailangan mas pondohan ang sekta ng edukasyon at gawin itong libre para sa ganoon ay wala nang mangmang na botante sa ating lipunan.
Paniniwala – Ang paniniwala ng relihiyon naming ay gaya ng sa mga Navajo. Wala kaming pakialam sa kasarian ng tao o kung anong kasarian ang gusto niyang mapakasalan dahil ang mahalaga sa amin ay may magaganda kang naiaambag sa lipunan. Sasama lang ang tingin namin sa iyo kung hindi ka mabuting tao sa mga kapwa mo ano man ang mga paniniwala’t relihiyon nila.
Pananaw – Ang pananaw ng masa ay hindi pananaw ng mga taong may pribilehiyong mabuhay nang marangya. Ang pananaw nila ay bigyan sila ng sapat na kompensasyon sa bawat iniaalay nilang gawa para sa ating lipunan.
Akala ko – Akala ko hindi dapat libre ang edukasyon. Mali ang akala ko. Dapat ito ay karapatan ng bawat mamamayan at hindi dapat ito sumailalim sa kapitalistang pag-aari ng mga gusto lamang yumaman.
Akala ni – Akala ni Imee Marcos ay tatanggapin siyang malugod sa Iloilo ng mga kabataan. Agad na nag-rally ang mga estudyante sa loilo Science And Technology University.
Akala ng – Akala siguro ng administrasyon ay walang masamang mangyayari sa ekonomiya kapag patuloy na bumababa ang halaga ng piso at patuloy tayong nag-i-import ng mga produktong dapat tayo ang nag-e-export.
Answers & Comments
Answer:

#CarryOnLearning