Ang Diyos ang ating tagapagligtas, siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat, siya rin ang gumawa at lumikha sa ating mga tao, napakahalaga na ating ibigay ang ating buong pagmamahal at lubos na pananampalataya sa kanya, dahil sa kanya makakaramdam tayo ng kapayapaan sa ating mga puso.
Mga Paraan upang Maipakita ang Pananampalataya at Pagmamahal sa Diyos
Pagsasabuhay at pagsunod sa mga utos ng Diyos.
Pag-iwas sa paggawa ng mga kasalanan.
Isaisip at isapuso ang mga utos niya sa pamamagitan ng hindi pagsuway at pag-iwas sa mga tukso.
Magsimba tuwing araw ng Linggo at pista ng pangilin.
Pagdarasal araw-araw
Paghingi ng tulong at gabay sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.
Paghingi ng tawad o kapatawaran sa mga nagagawang kasalanan.
Magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap.
Ipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.
Sundin ang sampung (10) utos ng Panginoon.
Kahalagahan ng Pagmamahal at Pananampalataya sa Diyos
Siya ang palaging andiyan para sa atin, sa lahat ng pagkakataon, patuloy na gumagabay upang tayo ay mapabuti at mapaayos ang kalagayan.
Walang imposible kung palagi mong kasama ang Diyos at palaging isasabuhay ang kanyang mga utos, lahat magiging posible basta magtiwala ka lang sa kanyang mga plano.
Wala kang mararamdaman na sakit at poot dahil pinapagaan niya ang kalooban ng mga taong naniniwala nananampalataya sa kanya, na sa kahit anong pagsubok, problema at hamon ang dumating sa iyong buhay, palaging may solusyon.
Ito ang nagiging daan upang magkaroon tayo ng malakas na ugnayan at matibay na komunikasyon sa ating Panginoon.
Nalalaman at nabibigyan natin ng halaga ang kaniyang mga banal na utos at salita.
Ang pagkakaroon din ng matibay na pananalig sa ating Diyos ang siyang magsisilbing instrumento upang tayo ay maging isang mabuting tao.
Natututunan ang mga magagandang gawain para sa ating sarili at maging sa ating kapwa.
Ang Diyos ang nagtatakda ng lahat ng mangyayari, dahil mas alam niya ang makabubuti para sa ating lahat, siya lang ang nakakaalam sa mga pwedeng mangyayari sa atin sa hinaharap.
Kaya habang maagap pa, palaging magbalik loob sa Diyos, ibigay ang buong pusong pagmamahal at pagtitiwala sa kanya, sundin natin ang kanyang mga utos at salita dahil ang pagkakaroon ng pananampalataya sa kanya ang magiging daan upang makagawa tayo ng kabutihan sa ating kapwa.
Answers & Comments
Answer:
Diyos

Explanation:
Correct me if I'm wrong
#carryonlearning
#staysafe
#praytogod
#teambroken