DevilXamia
Alamat ni Mariang Sinukuan Sa Bundok ng Arayat sa Pampanga nakatira ang isang engkantada. Kilala siya doon bilang Mariang Sinukuan.
Magandang-maganda si Maria. Matangkad siya at kaakit-akit kung pagmamasdan mula ulo hanggang paa. Kapansin-pansin ang tamis ng kaniyang ngiti. Mapapatingin ka kapag nagsalita na siya sapagka't hindi mo maipaliwanag kung anong misteryo ang bumabalot sa katauhan niya. Natural lang kasi na ituring siyang isang diyosa sapagka't engkantada nga ang dalaga.
Pero kahit na engkantada, tuwang-tuwa siya sa mga taong kaniyang nakikita. Natutuwa siya kapag magmamano ang mga bata sa mga nakatatanda. Nasisiyahan siya kapag hinahainan ng maybahay ang pagod na asawa. Naliligayahan siya kapag nakikitang nagpapawis ang mga ama sa pagsasaka may mauwi lang na aning palay sa asawa at mga anak nila.
Sapagka't may angking kabaitan, lagi at laging tumutulong si Maria sa mga tao sa paligid ng kabundukan.
Hinahandugan niya lagi ng mga sariwang bungang kahoy ang bawat pamilya. Noong una takang-taka ang mga mag-anak. Paano nga raw bang nagkakaroon ng mga sariwang prutas sa kani-kanilang hagdan gayong wala namang sinumang dito ay naglalagay. Hindi alam ng mga tao na sa isang kisapmata ay nailalagay kaagad ni Maria ang handog sa bawa't hagdang tunguhin niya.
Upang hindi naman maging kababalaghang walang kapaliwanagan, may mga pagkakataong nagpapakita si Mariang Sinukuan sa mga maybahay na siyang pinagbibigyan niya ng mga buwig ng mga matatamis na saging, bungkos ng matatabang kamoteng kahoy at pumpon ng mababangong rosal. Pagkabigay na pagkabigay ay ngingiti lang si Maria at magpapaalam na. Hindi na siya nakikipagkwentuhan pa. Gustung-gustong nakikita ni Mariang kaagad ihahain ng mga maybahay sa kani-kanilang pamilya ang handog ng kalikasang dala-dala niya. Sa bawat hagdan ay iba ang inilalagay niya. May lansones, papaya at makopa. May ilang-ilang, ehampaea at kamya. May mabolo, balimbing at mangga. May rambutan, litsiyas at ehesa pa. May malunggay din, repolyo at kalabasa. May upo na, may ampalaya pa at saka patola. Ang bawat mag-anak na dalawin ay natutuwa sa kanya. Kaya kahit hindi nakikita si Maria ng lahat ay nagpapasalamat sa engkantada.
Sa pagkakaroon ng sapat na pagkain, matanda at bata man ay may malulusog na pangangatawan. Nilalayo sila sa pagkakaramdam.
Upang ipakita ang taos pusong pasasalamat, nangako ang lahat na hindi sila aakyat sa bundok ni Mariang Sinukuan. Ipinangako rin nilang hindi sila huhuli ng anumang hayop, mamimitas ng anumang bulaklak o manunungkit ng anumang bungang kahoy, kukuha ng gulay sa itaas man o paanan ng kabundukan. Nagkakaintindihan si Mariang Sinukuan at ang mga mamamayan.
Ngunit may mga bagong sibol na kabataang isinisilang at may mga magagandang pananaw na natatalo ng sakim na paninindigan. Dumating nga ang panahon na naging makasarili ang ilan. May nagpapawalang halaga sa pagiging engkantada ni Maria. Ang hayop at halaman daw ay para sa sangkatauhan kaya dapat akyatin ang kabundukan at huwag paniwalaan ang pagiging engkantada ni Mariang Sinukuan.
Isang grupo ang nangahas na umakyat sa bundok. Pinatotohanan ng mga nakita nilang hayop at halaman na ang lugar ay isa nga palang paraiso ng kalikasan.
Habang pinagsasaluhan ang napakaraming napitas na ehiko, lansones at sinigwelas ay natanawan nila ang isang papalapit na dalaga na kahit na nakayapak ay pagkaganda-ganda. Hindi sila kaagad nakapagsalita nang mapansin nilang may kung anong liwanag ang nakapalibot sa nakaputing engkantada na sa isang kisapmata ay tinitingala na nila.
"Ako si Maria ng Bundok Sinukuan", pagpapakilala ng dalaga na kapansin-pansing nakaangat ang mga paa habang nagsasalita siya.
"Ma...Maria ng Bundok Sinukuan? Ka...kayo ba ang nagbibigay ng mga gulay, bungang kahoy at bulaklak sa bawat bahay-bahay?"
Ngumiti lamang ang engkantada at nagpaalala, "Makakain ninyo ang lahat ng bungang kahoy subalit wala kayong dadalhing anuman sa inyong pagbaba sa kabundukan."
Tumangu-tango lang ang kalalakihan. Napatunayan ng lahat na totoong mapagbigay si Maria nang anyayahan sila sa isang masaganang pananghalian.
Sapagkat noon lamang may dumalaw sa Bundok ng Sinukuan ay pinagsikapan ni Mariang pakitunguhan ang kalalakihan. Ginulat ni Maria ang mga bisita nang dalhin sila sa mesang kainan sa ilalim ng punong mangga. Isang masaganang pananghalian ang bumulaga sa kanila. May mga inihaw na baboy-damo, pabo at usa. May umuusok pang kanin sa mga dahon ng saging. May suha at guyabano at mabolo. Mayroon ding duhat, saging at balimbing. May malamig na tuba ring nakahain. Tiyak na maiibigan ng pinakapihikan man ang inihandang pagkain ni Mariang Sinukuan.
Hindi pa man pinadudulog ay nagsiupo na at nangagsikain ang mga panauhin. Matapos mabundat ay hindi man lang sila nagsipagpasalamat sa nag-imbitang engkantadang nagpakatao bilang pagbibigay sa kanila.
Answers & Comments
wag mag potol Nang punk
wag mag dumi sa kagibatan
Sa Bundok ng Arayat sa Pampanga nakatira ang isang engkantada. Kilala siya doon bilang Mariang Sinukuan.

Iyan ang alamat ni Mariang Sinukuan.
Explanation:
#Brainlyeveryday