lacegracecute
Ang paraan ng sumulat pangulong tudling o Kuru-kuro ay sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging arawItinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang editoryal sa layuning magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang pagtuligsa ay hindi kailangan makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuri ang editoryal kung may dapat pahalagahan. May mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang opinyon.At kailangan ito ng tatlong bahagi ng balangkas na editoryal.Panimula,katawan,at pangwakas.At may iba't ibang uri ng editoryal o pangulong tudling.Ito ay Pagsasalaysay,paglalahad,pangangatwiran,paglalarawan,pagtutol,nagpapaaliw,espesyal na okasyon,at nanghihikayat.
Answers & Comments