Kung inaapi ka, bakit ka magpapaapekto? Kung inaalipusta ka, bakit ka hahagulgol sa sulok? Kung may umaaway sayo, bakit mo rin aawayin? Kung may humihila sayo pababa, bakit ka magsusumbong sa iba?
Ang nararapat gawin ay maghiganti.
Pero hindi ganun kadali maghiganti dahil siguradong ang pinaniniwalaan ng nakararami ay kesyo masama ito, hindi ito maganda, hindi ito mabuting gawain, atbp. Ang hindi nila alam, merong mga tamang paraan sa paghihiganti.
Eto yung mga tipo ng paghihiganti na walang sinasagasaan, walang tinatamaan, walang ginagawang masama. Eto yung paghihiganting tama.
Malinaw namang nakasaad sa kataga na ang pinakamainam na paraan ng paghihiganti ay sa pamamagitan ng pagkamit ng tagumpay sa kahit na anong aspeto ng buhay.
Ibig sabihin, hindi ka dapat magpaapekto. Hindi ka dapat humagulgol sa sulok. Hindi ka dapat mang-away. Hindi ka dapat magsumbong sa iba. Ang kailangan lang ay manahimik at magpursige sa buhay. Wag pansinin ang mga umaalipusta sayo. Sa halip, ipakita mong hindi ka apektado sa mga ginagawa sayo.
Answers & Comments
Answer: