Sabi ng lola ko, ang pamumuhay noon ay napakasimple lamang. Basta’t kumakain ng tatlong beses sa isang araw ay masaya na sila. May bahay, may edukasyon, may mga anak na nagmamahal sa kanila at sa kanilang pagtanda ay kanilang makakasama. Ang mga bata ay masayang naglalaro at may paggalang sa mga taong mas nakatatanda sa kanila. Hindi ba’t nakakainggit ang kanilang pamumuhay noon?
Malaki ang pagkakaiba ng henerasyon noon kaysa ngayon. Ngayon, mas nararamdaman ng mga tao ang hirap ng buhay at ang iba ay wala nang ibang magawa kundi ang sumuko na lamang. Ang mga bata na dapat naglalaro at nararamdaman ang saya ng kanilang pagkabata ay sila pang mga nagkalat sa kung saan-saan at nanghihingi ng kaunting barya. Ang mga magulang noon na dapat ay nagmamahal at nagpoprotekta sa kanilang mga anak ay unti-unting nababawasan dahil sa kahirapan. Ngunit hindi naman sila masisisi dahil hindi nila kagustuhan ang ipanganak silang mahirap at magdusa ang kanilang mga anak dahil sa kahirapan.
Noon, kahit mahirap ay masaya ang buhay. Ngayon, ang mga mayayaman at may kaya sa buhay ang mas nakararanas ng kasiyahan. Nakakalungkot man isipin, magkaiba na talaga ANG BUHAY NOON AT NGAYON.
Answers & Comments
Answer: