Questions


October 2022 1 3 Report
paalam nga ng malalalim na sa buod ng encantadia pllsss

Noong unang panahon, may tatlong bathala na nanirahan sa ating mundo…
…Sina Emre, Arde, at Ether.
Ngunit nang makita nila ang mga sinaunang tao sa mundo, hindi sila nasiyahan. Ang nakita nila’y mga mababang uri ng nilalang, mga barbaro na kailangan pang magtrabaho upang mabuhay, mga nilalang na walang kapangyarihan.
Dahil dito, nilikha ng tatlong bathala ang mga Encantadong Diwata ng Lireo:
Ang mga lamang lupang Adamyan:
Mga manggagamot na Sapiryan:
Mga mahiwagang panday na Encantado mula sa Hathoria:
At isang bagong dimensyon na tinawag nilang Encantadia.
‘Di gaya ng mga tao, ang mga Encantadong ito ay may mga kapangyarihang taglay:
Sa tubig, nang manatiling malinis at masagana ang karagatan. Sa hangin, nang mapangalagaan ang buhay. Lupa, nang manatiling mayaman sa pagkain ang kalupaan. At apoy, nang mabigyang liwanag ang buong mundo.
Ang mga Encantadong ito ay sumamba kay Emre, kung kaya’t lubhang nagselos sina Ether at Arde.
Nagplano silang paslangin si Emre…
…ngunit natuklasan niya ang balak ng mga ito. Kaya’t sinumpa niya si Arde na maging dragon at ipinadala sa impyernong kung tawagin ay Balaak upang maging tagapagbantay doon.
Samantlang si Ether naman ay ginawa niyang isang ahas upang habangbuhay niyang ‘di makalimutan ang kanyang kataksilan.
May mga Encantado din na pumanig kay Ether, kung kaya’t sinamba nila ito at itinatag ang ikalimang kaharian, ang Etheria:
Isa sa mga naging reyna nito ay si Avria.
Dahil sa kanyang kasakiman, sinubukan niyang sakupin ang mga kahariang Lireo, Sapiro, Hathoria, at Adamya.
Ngunit dahil sa pagsanib-pwersa ng apat na kaharian, natalo si Avria at nawasak ang Etheria.
Magmula noon, tanging ang Lireo, Adamya, Sapiro, at Hathoria na lamang ang natitira sa limang kaharian.
Ito ang simula ng Encantadia, isang mundo na punung-puno ng hiwaga at mahika.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.