Questions


October 2022 1 1 Report
pa help pow

pabasa mo ang teksto sa iyong kasama sa bahay. Makinig ka nang mabuti at pakatapos sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.

Hinagpis ni Inang Kalikasan

Ang climate change ay pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Isa ito sa mga dahilan ng dinaranas na mga kalamidad sa buong mundo. Ang epekto nito ay nararamdaman din natin sa bansa.

Dahil sa pagbabago tungo sun kaunlaran at industriyalisasyon, nagbabago rin ang ating kapaligiran. Tuluyan nang nasisira ang ating Inang Kalikasan dulot ng maling gawain ng mga tao tulad ng pagpatag sa kabundukan, pagputol ng mga punongkahoy, at maging ng polusyon na dulot ng mga pabrika at ibang teknolohiya. Kaya't unti-unti nang nawawala ang ganda at masaganang yaman na maipapamana pa sana natin sa mga susunod na henerasyon. May matinding init o kaya naman ay labis na pagbuhos ng ulan na walang pinipiling oras o panahon.

May malalakas ding buhawi, ipuipo, at bagyo, na kumitil sa buhay ng mga tao at hayop maging pagkasira ng mga pananim, pagguho ng lupa, at pagbaha. Tila ipinapadama na ni Inang Kalikasan ang hinaing at hinagpis na kaniyang nararamdaman sa mga tao. Baka dumating ang araw na tuluyan nang talikuran ni Inang Kalikasan ang tungkulin nitong panatilihin ang buhay sa mundo.

Kung ipagpapatuloy natin ang nakagawiang pagpapabaya at pagsasalaula sa lupa, tubig, at hangin, darating ang panahon na

wala ma tayong mapag kukuhanan ng ating mga pangangailangan. Nakakalbo ang kagubatan at wala ng tahanan ang maraming mga hayop.

Gising na, kaibigan! Tayo'y magkaisa at magbago upang suliranin sa climate change at tuluyang pagkasira ng mundo ay maagapan. Kung ang klima ay nagbabago, tayo rin ay may kakayahang pagpako. Bigyan natin ng pagkakataon ang kalikasan na maghilom at bumalik sa dati. Igalang natin ang bawat bagay at bigyan ito ng tamang pagkalinga at pagpapahalaga. Wag nang mag dalawang isip sa panawagan. Tayo na kumilos na para hindi mahuli ang lahat sa hinahangad na pagbabago. Dinggin ang hinagpis ni Inang kalikasan na para sa ating kaligtasan

1. Ano ang dahilan ng pagbabago bago ng panahon?

2. Sino ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito sa ating mundo? Bakit?

3. Paano ito maiiwasan ang malulunasan?

4. Bakit kaya ng ganito ang buhay ng mga tao at ano ang dapat nitong gawin?

5. Bakit kailangang dinggin ang hinagpis ng Inang kalikasan?
nonsense=report​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.